"Wow! Oh my, Vincent, this is so nice!" bulalas niya. Hindi niya maalis ang tingin sa magandang townhouse. Hindi na siya magtataka kung bakit dito sa Tagaytay napili ni Vincent kumuha ng townhouse. Perfect. Perfect para sa kanilang mag-asawa, para sa binubuo nilang pamilya. "Really? Do you like it? Nakausap ko na ang may-ari nito and sabi ko, kung magustuhan ng maganda kong misis, kukunin ko," masayang sabi ng asawa niya. Naramdaman niya ang matitipunong braso nito na yumakap sa kanya mula sa likod. Mainit ang hininga nito sa batok niya. Hinalikan siya sa buhok. Ngumiti siya at humarap dito. Itinaas niya ang mga kamay, kinawit sa leeg ng asawa. Ang mga daliri niya, naglaro sa maliliit na buhok sa batok nito. "Am I beautiful?" Malambing na tanong niya na tila inaakit ito. Tiningna

