"What? Manila? Anong gagawin nila sa Manila?" Narinig niya ang malakas na tinig ni Nate. Kaya naman tumigil muna siya sa paglalakad, upang makinig sa mga ito. Kanina pa niya hindi nakikita ang asawa. Oo asawa na niya si Ella. Legal na itong Mrs. Dela Merced. Nakuha na nito ang gusto nito sa kanya. Nakuha na nito ang matagal na nitong pinapangarap. Muling narinig niya ang usapan sa loob. "Isasama ni Lola sa England si Ella bukas." Tinig ni Nate. "England?!" Hiyaw ni Mrs. Ynarez. "Anong nangyayari?" Tanong ni Mr. Ynarez. "She left! Ella left! Sumama siya kay Lola, paluwas ng Maynila. At pupunta sila ng England" Narinig niyang paliwanag ni Nate. Nagulat siya sa narinig. At tila ba dumilim ang buong paligid sa narinig. Sumama si Ella sa Lola nito? At pupunta ito ng England? M

