Ella Sa guest room sya nagkulong matapos nagtatakbo para iwasan ang asawa. Nais muna nyang mapag-isa at huwag munang makita ang asawa. Muntik na syang masampal nito kanina.Nakita nya ang nag-aapoy na galit nito, at hindi nya lubos maisip na kaya syang saktan ng asawa. Masisisi ba nya ang asawa kung ganoon ang naging reaksyon nito sa sinabi nya kanina, na halos isigaw nya rito na na may nangyari sa kanila ni Patrick. Alam nyang sya ang nagtulak sa asawa para magawa nito ang bagay na yon. At kung nasaktan man sya nito, yon ay dahil sya ang nagtulak rito na gawin yon. Ewan nya kung bakit kailangan pa nyang idamay si Patrick sa gulo nilang mag asawa. Samantalang kahit halik sa pisngi ay hindi sya nito nahalikan man lang. Dahil kapatid lang ang turing ni Patrick sa kanya. Ewan nya sa sarili ku

