Chapter one hundred seventeen AVIANA’S POV’S Sabay kaming pumasok sa hotel ni Jake kaso ng hanapin ko na siya sa front desk para bigyan ng meryenda ay sabi nila doon hindi daw siya pumasok. Nalito ako sa mga nalaman ko dahil kasabay ko naman siyang pumunta dito pero hindi ko siya makita sa buong hotel. Tawag ako ng tawag sa kanya pero hindi niya sinasagot, bigla na lang hindi ko siya makontak ng makailang missed calls na ako sa kanya. Ang weird ng ikinikilos ngayon ni Jake, kahapon pa siya ganyan, napakamalihim niya masyado. Ang lakas ng kutob ko na may nangyayaring hindi maganda, ibang iba na si Jake simula nitong mga nakaraang araw. Huwag naman sanang magkatotoo itong kutob ko. Hindi ako nakapagtrabaho ng maayos dahil kay Jake, hindi kase ako makaconcentrate kakaisip kung saan si