Chapter one hundred eighteen FHAIDA’S POV’S Napapangiti ako habang palabas ng kwarto. Mabuti na nga lang at hindi naatake ang daddy nila dahil sa sama ng loob kay Jake, si Ava ngayon ang nagsusuffer ng kalungkutan. Dinalhan ko rin ng pagkain si Ava sa loob ng kwarto niya, nilapag ko sa may gilid na mesa yung mga pagkain. “ Bilin ni Lance yan, walang magdadala dito kaya ako na lang.” Tulala lang siya sa kisame na at mukhang napakarami ng iniisip, ganyan na ganyan ako noon Ava, noong inagaw mo sa akin ang asawa ko. Noong pinili ka niya at iniwan ako. Ngayon kapag nalaman mo kaya na ako ang pipiliin niya? mas malala pa diyan ang mararanasan mo. At dahil hindi siya umiimik ay lumabas na lang ako ng kwarto niya, bigla ring nagring ang phone ko, may unknown number na tumatawag kaya sina