Chapter seventy one FHAIDA’S POV’S Nasa trabaho ako ng biglang magtext si Jake, gusto niyang makipagkita sa akin, hindi niya sinabi kung bakit dahil ang sabi lang niya sa text ay may pag uusapan kami. Hindi kaya tungkol sa annulment nanaman? Sinabi ko na lang na maghintay siya hanggang matapos ang trabaho ko, ayoko naman siyang papuntahin dito dahil nakakahiya kay Lance. “ May problem aba?” tanong sa akin ni Lance dahil naabutan niya akong nakatulala. “ Yung asawa ko, gustong makipagkita sa akin.” “ Bakit daw?” “ Hindi niya sinabi kung bakit.” “ Pupuntahan mo?” tanong niya pero hindi ko masagot kung oo o hindi, nag aalangan din akong pumunta. “ Baka importante yung sasabihin niya.” “ Tungkol lang siguro yun sa annulment namin.” Teka? Baka tungkol kay Ava? Nakakulong pa rin siya h