Chapter seventy FHAIDA’S POV’S Kinontak ako ng mga pulis para ipagbigay alam na nasa presinto nila ngayon si Ava at yung Jovie na kaibigan niya. “ Kailangan ko pumunta sa police station.” “ Bakit?” “ Kinakausap nila ngayon ang mga suspek.” “ Ah eh, ganun ba, si-sige susunod na lang ako.” Sabi sa akin ni Lance. Himala, hindi siya nagpumilit na sumama sa akin, kung sabagay marami pa siyang gagawin pero ang weird lang ni Lance this past few days. Nagmadali na lang akong pumunta sa police station para maabutan si Ava, at pagdating ko ay kasama niya rin si Jake. Nakakatwa siya, ang dami niyang palusot. Naiinis ako dahil ayaw niyang umamin, iniipit niya pa itong kaibigan niya na napag utusan lang naman niya. Gusto niyang ipapaniwala na tinulungan lang siya ng kaibigan niya dahil inaa