Chapter one hundred fifteen FHAIDA’S POV’S Yung kinikilos ni Ava halatang napaparanoid siya, nakakaawang nilalang, hindi man lang niya makontrol ang isipan niya. Baka mabaliw na siya kapag nakipaghiwalay na ng tuluyan si Jake sa kanya. On leave pa rin ako, si Ava at Lance naman ay kakaalis lang ng bahay, hindi ko alam kung bakit hindi nila kasama si Jake. Naaala ko lasing pala siya kagabi, siguradong may hang over pa siya kaya hindi siya makakapasok ngayon, pagkakataon ko na ito para makausap siya ng masinsinan tungkol sa amin. “ Ang sakit ng ulo ko.” Narinig kong sinabi ni Jake pagkalabas niya ng kwarto. Gumawa ako ng inumin niya na pampawala ng hang over, hindi ko ito ginawa para magpapansin sa kanya, may binabalak ako kaya kailangan kong ipakita muli ang kabaitan ko sa kanya. “