Chapter one hundred fourteen FHAIDA’S POV’S Nagpahinga ako ng maaga kagabi, inalagaan ako ni Lance dahil masama talaga ang pakiramdam ko, emorionally and physically. This time, hindi na ito tungkol sa asawa ko, tungkol na ito sa anak ko sana. Hindi pa rin ako pumasok, nagfile na ako ng leave para makapagpahinga pa, si Lance naman ay palaging maagang umaalis. Sila Jake at Ava naman, naghahanda na rin na umalis. Kumakain ako mag isa dito sa dining table at pinapakiramdaman lang yung dalawa. Kasalanan niyo tong dalawa kaya ako nagkakaganito. Itutuloy ko talaga ang balak kong paghiwalayin kayo. Napansin kong pumasok sa kwarto si Ava, samantalang si Jake naman nasa CR pa. Alam ko naman na hanggang ngayon gustong makipagbalikan sa akin ni Jake. Mas mapapadali talaga ang gagawin ko ngayo