Chapter 6

1611 Words
Naghahabol ako ng hininga at pilit pinapakalma ang aking sarili. Nang marinig ko ang ilang mga yabag—agad akong lumapit sa pintuan, upang i-double locked ito, nang sa ganoon ay hindi siya makapasok. Uncontrollably, my body starts to shake. Fear and anxiety starts to asault my well-being. Pilit ko siyang binibigyan ng justification, na mabuti siyang tao. Sinasabi ko sa sarili ko na mabait siyang tao sa kabila nang mga nangyari nitong nakaraan. Pero hindi... Hindi siya mabuting tao. Mamamatay tao siya. Yes, he saved me. But that doesn't make him a good person. He kill people. And the only reason why he saved me is that because he wanted something from me. He wants my body. Kung mabuti siyang tao, dapat hinayaan na lang niya ako. Gaya ng ibang mga babae na galing sa lugar na iyon. Iniwan na nila doon sa unang bahay na pinagdalhan nila sa amin. Tumunog ang door knob dahil sa pagpihit niya dito. Ilang beses niya itong ginawa. Ramdam ko ang malakas na puwersa na binibigay niya habang pilit na binubuksan ang pintuan. "What the hell! Open this goddamn door!" sigaw niya na tila isang kulog na nakadagdag sa takot na nararamdaman ko. Naupo ako sa kama at binalot ko ng kumot ang katawan ko. Taimtim akong nagdasal. Humihingi ng tulong sa Diyos na sana ay ilayo niya ako sa kapahamakan. Sinipa niya ang pintuan kaya napaigtad ako. Natatakot ako sa kaniya. At ayaw ko muna siyang makaharap. Lalong hindi ko kayang ibigay ang sarili ko sa kaniya. Mamamatay tao siya. Nangangatog ang aking tuhod. Nanghihina ako at para din akong masusuka. Nginatngat ko ang aking kuko sa daliri, habang nilalabanan ang nararamdaman na takot at pagkabalisa. Hanggang sa napasigaw ako sa gulat nang malakas na kumalabog ang pintuan. Nabuksan niya ang pintuan sa pamamagitan ng malakas na pagsipa dito. Galit ang mga mata niya habang naglalakad palapit sa akin. Ang kaniyang panga ay gumagalaw bilang tanda na nasagad ko ang kaniyang pasensya. "P-Please, hindi ko k-kaya. Pakawalan mo na lang ako. Gaya ng mga kasamahan kong babae na nakuha niyo sa casa. Pakawalan mo na lang ako," I beg but he didn't seem to care. Gusto ko mang umatras ngunit pader na ang sinasandalan ng aking likod. Tinitigan niya ako, samantalang hindi ko naman magawang salubungin ang mga mata niyang may bahid ng galit. Pinikit ko ang aking mga mata at ang kumot na binalot ko sa aking katawan ay hinawakan kong maigi. Pinagpapawisan ako sa labis na kaba at takot. Hindi ko kayang magpaubaya sa kaniya. Nag-angat ako ng mukha nang marinig ko ang pagbukas ng cabinet. Kumuha siya ng damit. At nang makapagsuot siya ng damit, doon pa lang ako kumalma nang kaunti. Walang imik siyang lumabas matapos siyang magsuot ng damit. Hindi man lang niya ako nilingon. Kailangan kong tumakas dito. Pero paano? Nasa isang isla kami. Hindi ko din alam kung gaano kalayo ang susunod na isla mula rito. Hindi ko din naman kayang lumangoy ng malayo. Baka mamaya kainin pa ako ng pating. Kahit nababalot sa takot, nagawa ko pa ding matulog ng matiwasay. Ramdam ko na ang init na tumatama sa aking balat paggising ko kinaumagahan. Ilang sandali akong napatulala sa kisame. Kagabi bago matulog, pinagdasal ko na sana masamang panaginip lang ito. Na magbabago ang lahat paggising ko, pero nagising ako sa reyalidad na hindi ito isang panaginip. Tamad akong bumangon. Naligo ako ngunit wala naman akong damit na maisuot kaya muli akong nagsuot ng bathrobe. Naisipan ko ding lumabas para tignan kung may puwede bang lutuin at kainin sa kusina, pero naka-locked ang pintuan. Kumatok ako. Mahinahon na nauwi sa malakas na pagkalabog. Sumasakit na ang buto ng aking mga daliri pero hindi pa din ako pinagbubuksan. "Hello?! May tao ba diyan?! Nagugutom na ako!" paulit-ulit kong sigaw. Nanuyo na lang ang lalamunan ko pero wala talagang nagbukas. Hindi kaya umalis na sila at iniwan na lang ako para mabulok dito sa isla? Tinungo ko ang bintana at sumilip roon. May nakita akong isang guwardya na nagyoyosi habang nakasandal sa puno. Nandito pa din sila. Bakit ayaw man lang nila akong pagbuksan? Hindi kaya bilin ito ng boss nila? Ang hayaan akong mamatay sa gutom? Bumalik ako sa kama. Naupo at pinilit na mag-isip ng maayos. Kaso hindi gumagana ang utak ko dahil walang laman ang aking tiyan. Tinapay lang ang kinain ko kahapon. Magtatanghali na pero hindi pa din ako kumakain. Wala ding tubig na maaring inumin upang mapawi ang uhaw at panunuyo ng aking lalamunan. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako, kahit na labis ang gutom at pagkauhaw na nararamdaman ko. Hapon na ng magising ko, mahapdi na talaga ang tiyan ko. Nangangatog na ako at nanghihina. Hindi ko na kayang tiisin. Hindi ako makatayo ng tuwid at sa bawat hakbang ay mas tumitindi ang pagkirot ng aking tiyan. Ganunpaman pinilit kong makarating sa nakasaradong pintuan. Kumatok ako at kahit nanunuyo ang lalamunan, sumigaw ako upang marinig nila ako. "I am starving! Please give me something to eat. I am also thirsty!" Halos bumagsak ako sa sahig habang namimilipit, dahil sa matinding kirot ng aking tiyan. Pinagpapawisan na din ako ng malamig. Para akong mawawalan ng malay. Ang saklap naman kung sa gutom ako mamatay. Dios ko! Ayaw ko pang mamatay. Tulungan mo po ako. Para bang umiikot ang buong paligid. Nagdidilim na din ang aking paningin. At para bang mabibingi ako dahil sa matinis na ingay na aking naririnig. MARAHAN kong minulat ang aking mga mata. Nawalan pala ako ng malay. Nakahiga na ako sa kama. Masakit pa din ang tiyan ko at halos hindi na ako makagalaw sa panghihina. Nagbukas ang pintuan at pumasok si boss. Nang makita na gising na ako, bahagya siyang tumigil sa paghakbang habang seryosong nakatingin sa akin. Binuka ko ang aking bibig upang magsalita, ngunit dahil sa panunuyo ng lalamunan ko dahil sa kakulangan ng tubig hindi ako makapagsalita. Tumalikod siya at muling lumabas. Pagkaraan pa ng ilang minuto pumasok ang isang tauhan at may dala itong tray. Nilapag niya ito sa mesa na nasa gilid lang ng kama na kinahihigahan ko. Walang anumang salita, lumabas siya at naiwan akong mag-isa. Ang masarap na amoy ng pagkain ang nakapagbigay sa akin ng kaunting lakas para bumangon upang makakain na. Lugaw ang pagkain, may nilagang itlog, isang pirasong saging at isang bottled water. Nanginginig ang kamay ko habang mabilisang kinain ang pagkain na binigay sa akin. Kahit paano nagkaroon ako ng lakas, ngunit hindi sapat upang mabuksan ko ang takip ng bottled water na napakatigas at ayaw magpabukas. Hindi ko na pinilit, dahil sumakit na ang kamay ko kasusubok na buksan ito. Hihintayin ko na lang na may pumasok. Magpapatulong akong buksan ito. Hinihila na ako ng antok nang muling magbukas ang pintuan. Pumasok si boss at dire-diretsong naglakad palapit sa akin. Tinignan niya ang mesa sa aking gilid at nang makita niya ang bottled water, binuksan niya ito at nilapag ulit sa mesa. Marahan akong bumangon at inabot ang bottled water. Upang makainom na. Nakalahati ko ito agad. "I don't know what is your plan to me, but I ain't worthy of your time. Just please let me go. I want to live a free life. I— "No," putol niya sa sinasabi ko. Bagamat mahina ang boses, may diin sa pagbigkas niya sa iisang salita na iyon. Matapang kong sinalubong ang kaniyang mga mata. Kahit paano nabawasan na ang takot na nararamdaman ko sa kaniya, dahil sa nasaksihan ko kagabi. Hangga't maari gusto ko na lang ding burahin ang mga masasamang bagay na nangyari at nasaksihan ko. I wanted to live no matter what it takes. "Who are you?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam ang kaniyang pangalan. Kung ano siya at kung ano'ng klaseng tao siya. "What do you think?" balik tanong naman niya sa akin, sa halip na sagutin na lang ang aking katanungan. "I don't have any idea. But I know you kill people. Is that what you do for a living?" Tumaas ang isang sulok ng kabilang labi niya pero saglit lang iyon, dahil muli na namang naging seryoso ang kaniyang mukha. "I am Candy. What's your name?" Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay at nilahad sa kaniya ang aking palad. Tinignan lang niya ito. "I don't even know your name." Wala pa din siyang imik kaya nakaramdam na naman ako ng inis. Huminga ako nang malalim at umiling-iling. "Bakit ba ayaw niyang sabihin ang pangalan niya? Ang pangit siguro ng pangalan niya," bulong ko. He scoffed. I look at him with a squinting eyes. "Mapapanis ang laway mo. Sumagot ka naman kapag kinakausap ka." Inikutan ko siya ng mga mata nang talikuran niya ako. "I won't go anywhere. I won't escape. Please don't locked me up in here." Parang wala siyang narinig. Kaya nang magsara ang pintuan, bumaba ako ng kama upang tignan kung ni-locked niya ang pinto. And to my surprise the door isn't locked. Napangisi ako. Kahit paano may nasisilip akong pag-asa. Go with the flow lang, Candy. Malalampasan mo din ang hamon ng buhay mong ito. Hindi ka pa din pinabayaan ng Diyos. Pumasok ako sa banyo at tumuntong sa inidoro. Tinignan ko kung abot ko ba ang maliit na bintana. Maliit lang ito pero tingin ko kasyang-kasya ang katawan ko dito. Dito ako dadaan kapag tatakas ako. Naka-grills kasi ang binatana sa silid. Hindi ko pa alam kung ilang tauhan ang nagbabantay sa labas. Kung gaano kalapit ang pintuan mula sa labas ng kuwartong ito. Lumabas ako ng banyo at sumilip naman sa bintana. May dalawang guwardya na nagbabantay. Ngayon, ang kailangan ko ay mag-isip ng maayos na plano, kung paano ako makakatakas dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD