Chapter 5

1506 Words
"Saan tayo pupunta?" tanong ko ulit kay boss. Tuwid ang kaniyang pagkakaupo at nakapikit ang mga mata pero alam ko naman na hindi pa siya tulog. "At ano pala ang pangalan mo? Ako pala si Candy." Hindi pa din siya nagsasalita. "Hindi ba masakit ang sugat mo?" tanong ko ulit. Sa totoo lang nauubusan na ako ng pasensya. Kaso hindi puwedeng mainis dahil baka barilin pa niya ako. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa himpapawid. Nang lumapag ang chopper sa isang isla, magbubukang liwayway na. Maganda ang lugar pero hindi ko magawang ma-appreciate, dahil sa sitwasyon. May dalawa pang chopper na bumaba. Lulan doon ang ibang mga tauhan ni boss. Hindi na nila kasama ang mga babae na nakuha nila sa casa. Mabilis akong naglakad upang maabutan si boss. "Nasaan iyong mga kasama kong babae?" nagtataka at kuryoso kong tanong sa kaniya. "Bakit hindi sila kasama dito? Pinakawalan niyo na ba sila? Bakit sinama mo pa ako dito?" Punong-puno ako ng katanungan. Nagsimula na din akong mag-panic. Ano kaya ang plano nila sa akin? Plano kaya nila akong patayin? Wala akong nakuhang sagot, kaya mas lalo akong naging desperada na makakuha ng sagot mula sa kaniya. "Papatayin mo ba ako? Plano mo ba akong patayin pagkatapos mong makuha ang gusto mo sa akin?" Nang hindi siya sumagot, tumakbo ako papunta sa may dalampasigan. "Tulong! Tulong!" umiiyak kong sigaw. Hinabol naman ako ng isa sa mga tauhan. Nang mahuli niya ako, para akong isang sakong bigas na binuhat niya at dinala sa loob ng malaking mansyon, dito sa gitna ng isla. Nanlaban ako. Pinagsusuntok ko ang kaniyang likod pero hindi man lang siya natinag. "Bitawan mo ako! Pakawalan niyo na lang ako. Ibalik niyo na lang ako sa pinanggalingan ko!" Muli akong tumakbo nang ibaba niya ako sa loob ng mansyon pero mabilis akong hinablot ng boss. Madilim ang kaniyang mga tingin na nakapagbigay ng kilabot sa akin. "Huwag mo akong patayin. Please, maawa ka!" "I won't kill you." "Talaga?" paninigurado ko pero hindi na siya ulit sumagot. Pumasok siya sa isa sa mga kuwarto. Hindi naman ako kumilos mula sa kinatatayuan ko. Wala akong plano na sumunod sa kaniya, kaso naninindak na nakatingin sa akin ang mga nakatayong tauhan sa gilid. Pumasok ako sa silid na pinasukan ni boss. Ano ba kasi ang pangalan niya? Ni ayaw man lang ibigay sa akin. Nakaupo si boss sa gilid ng kama. Salubong ang kaniyang mga kilay, habang tutok na tutok ang mga mata sa kaniyang hawak na celphone. "Boss, ano po pala ang pangalan mo?" Inikot ko ang aking mga mata nang ayaw pa din talaga niyang magsalita. "Kailan mo ako pakakawalan?" Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ako ng seryoso. Bumuntong hininga ako at umiling. Tinuro ko ang isang pinto sa kaliwang bahagi ng kaniyang silid. "Banyo ba iyon? Maliligo na ako," sabi ko. Kapag nagawa naman na niya siguro ang gusto niya sa akin, pakakawalan na niya ako. Wala akong nakahandang plano. Hindi ko din alam kung saan at paano magsisimula, pero kahit na ganoon, gusto ko pa ding makaalis na dito. Pumasok ako sa banyo at sinimulang maligo. Nagsabon ako ng mabuti dahil pakiramdam ko nakadikit pa din sa akin ang amoy at laway ng matandang lalake na kamuntik bumaboy sa akin. Nanginig ako dahil sa nararamdaman na pandidiri. Salamat po at nilayo Mo po ako sa kapahamakan. Pero sana po, bukas ay makaalis na ako dito. Pagkatapos kong maligo, naghanap ako ng tuwalya pero wala naman akong makita. Nakakaasar! Lumabas ako na hubo't-hubad at may tubig pa na tumutulo sa aking katawan. Nakataas ang kilay ni boss nang makita niya ako. Agad ko namang tinakpan ng aking kamay at braso ang aking dibdib at p********e. "W-Wala palang tuwalya sa loob ng banyo. May tuwalya ka ba dito?" tanong ko sa kaniya. Tamad niyang tinuro ang maliit na cabinet na nasa gilid. Agad ko naman itong nilapitan, para makapagpunas at matakpan na ang hubad kong katawan, dahil nailang ako sa mainit na paninitig ni boss sa akin. Para akong matutunaw sa mga titig niya. Kinagat ko ang aking labi. Mag-uumaga na. Plano ba niyang gawin na namin iyon ngayon o mamayang gabi pa? Nakakita ako ng isang bathrobe. Iyon ang sinuot ko at ang tuwalya ay pinambalot ko sa mahaba kong buhok. Lumapit ako sa kama. Naupo ako at sinandal ang aking pagod na likod sa may headboard. Hinihintay ko si boss na lumapit sa akin, pero hindi man lang ito gumagalaw. Umayos ako ng higa nang makaramdam ulit ako ng antok. NANG magising ako, tirik na ang araw sa labas. Nagawa ko pa din talagang matulog sa gitna ng panganib na kinahaharap ko. Wala si boss sa loob ng silid, kaya bumaba ako ng kama at lalabas na sana ng silid. Kaso naka-locked ang pintuan. "Palabasin niyo ako dito!" sigaw ko. "May tao ba diyan?" Sumakit na ang kamay ko sa pagkatok sa pintuan na kahoy, pero wala pa ding nagbubukas ng pintuan. "Please..." Sakto namang tumunog ang aking tiyan. Gutom na ako. Hindi ko na din matandaan kung kailan ang huli kong kain. "Please let me out of here. I'm hungry!" Pagkatapos ng ilang minuto nagbukas ang pintuan. Inabutan ako ng tauhan ng isang bottled water at tinapay. "Do you have rice?" tanong ko pero basta na lang sinara ulit ang pintuan. MAGDIDILIM na ng pumasok sa silid si boss. Dumiretso siya sa banyo upang maligo. Lumabas siya na nakatapis lang ng tuwalya. Lumapit siya sa kama kaya naalarma ako. Gagawin na kaya namin? Teka lang! "I'll just take a bath," sabi ko sa kaniya, pero hinuli niya ang aking kamay. Sinimulan niyang halikan ang aking tenga. Nagtaasan ang aking mga balahibo. "Teka, may kiliti ako diyan," saway ko sa kaniya, pero nagpatuloy lang siya sa paghalik sa aking tenga pababa sa aking leeg. Napahagikgik ako at pilit siyang tinutulak. Hiniga niya ako sa kama at agad kinubabawan. Nanlaki ang aking mga mata sa labis na gulat. "I'll take a bath first," sabi ko sa kaniya. Nagsalubong ulit ang mga mata namin. Ilang sandali niya akong pinagmasdan. Sa labis na kaba, nanuyo ang aking lalamunan. Ilang beses akong napalunok ng sarili kong laway. "Let me take a bath first. Ah!" napatili ako nang dilaan niya ang aking tenga. Ano ba naman 'to! Pinikit ko na lang ang aking mata at hinayaan siya sa kaniyang nais na gawin. Ang kaniyang kamay ay nakapasok na sa loob ng suot kong roba. Humahaplos sa aking mga nakaladlad na hita. Nakakakiliti pero nakaramdam pa din ako ng pandidiri sa aking sarili. Sirang-sira na talaga ang buhay ko, pero kailangan kong lumaban para mabuhay. Pagkatapos niyang gawin ang gusto niya pakakawalan na niya ako. Hahayaan na niya ako. Naramdaman ko ang pagkalas niya sa tali ng suot kong roba. Nakaramdam ako nang lamig nang hawiin niya ang roba dahilan, para maladlad ang aking dalawang bundok. Bumaba pa ang kaniyang labi sa aking collarbonez hanggang sa makarating ito sa tuktok ng kaliwa kong bundok. Napasinghap ako at pigil ko ang sarili na umungol nang sipsipin niya ang aking u***g. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng pandidiring nararamdaman ko ay may kakaibang sensasyon akong nararamdaman, mula sa aking puson lalo na ng laruin niya ng dulo ng kaniyang dila ang aking isang u***g. Napahawak ako sa bedsheet at napapakagat labi, sa tuwing malakas niyang sisipsipin ang aking dibdib. Nang pagsawaan niya ang magkabila kong dibdib, bumaba siya. Papunta sa aking tiyan. Hanggang sa makarating ito sa bandang pusod ko. "Huwag diyan," pigil ko sa kaniya, pero sinimulan na niyang dilaan ang aking pusod. Shit! Para akong maiihi. Tumigil siya at muli pang bumaba. Nanlaki ang aking mga mata at pilit siyang tinutulak. Pinaglayo niya ang aking mga hita at pumuwesto sa gitna. Kaso bigla siyang bumangon. "Take a bath," sambit niya at basta na lang akong iniwan sa kama. Hindi kaya... nabahuan siya sa kipay ko? Sabi ko naman kasi sa kaniya kanina pa na maligo na muna ako. Bumaba na din ako ng kama at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo. Nag-toothbrush ako ng mabuti at nagsabon ng ilang ulit. Pero paglabas ko, wala na naman siya sa loob ng silid. Sumilip ako sa may malaking bintana, kung saan tanaw ang likod ng malaking bahay, nang makarinig ako ng ingay. Nakita ko ang limang kalalakihan na nakatali ang mga kamay habang nakaluhod sa lupa. Napapaligiran sila ng mga tauhan ni boss. Nakatayo din si boss sa likuran ng mga lalake. Napasinghap ako nang bigyan ng isang tauhan si boss ng baril. Halos magiba na naman ang aking dibdib sa labis na kaba. Papatayin ba niya ang mga ito? Pero bakit? Napasigaw ako nang basta na lang barilin ni boss ang limang kalalakihan. Sunod-sunod. Hindi man lang nag-alangan. Nagtakip ako ng aking bibig, habang nakatingin sa mga lalake na ngayon ay natumba na sa lupa at wala ng mga buhay. Napatingin si boss sa gawi ko. Seryoso at malamig ang kaniyang mga mata na nakatanaw sa akin, na mas lalong nakapagdulot sa aking katawan ng matinding takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD