HOLIDAY ngayong araw, kaya nagpasya ang mga kaibigan ni Kurt na maglaro ng basketball. Dahil unang laro ito ni Kurt na revealed na ang marriage niya kay Estelle, sinama niya ito. Hindi dahil sa magpapainggit siya sa mga kaibigan, kung hindi ang asarin si Danrev. Sa loob ng anim na buwan, walang ginawa ito kung hindi ang mag-send ng videos nito at ni Estelle. Lalo na kapag nagba-basketball ang mga ito. Alam naman nito kung gaano siya kaseloso, pagdating kay Estelle. Kaya nakuha nito ang inis niya talaga. Hindi siya nag-join sa mga ito ssa basketball dahil nga sa hindi pa panahon para sa kanya. At ngayon, dumating na ang tamang panahon para makaganti siya sa pinsan. Wala itong nobya kaya iinisin niya rin. Magaling lang itong mang-asar, pero ayaw nito sa lahat ang inaasar ito. Pagdating na