01
Chapter 01
Sugatan tumatakbo si Noreen Rose Morgan. May tama ng bala ang kaliwang kamay ng babae at nag iiwan iyon ng bakas sa dinadaanan.
Sa mga oras na iyon akala niya katapusan niya na. Nanghihina na kasi siya at wala siya makita sa lugar na iyon kung hindi mga puno at damo.
"You bastard, Kael. Huwag lang talaga tayo magkikita next life dahil sisisguraduhin ko sa pagkakataon na iyon paulit-ulit kita papatayin hanggang sa masatisfied ako," madilim at puno ng galit na sambit ng babae bago tuluyang bumigay mga tuhod niya at bumagsak sa lupa.
Napatitig si Noreen sa kalangitan hanggang sa napatanong siya sa sarili niya kung hindi ba siya anak ng mafia boss at isang normal na babae lang, mag iiba kaya ang kapalaran niya.
"Ayoko na ng ganitong buhay."
Unti-unti na nagdilim ang paningin ng babae pero bago pa tuluyan mawala lahat ng senses niya nakarinig siya ng boses ng isang batang babae.
"Papa! Papa! May patay na tao dito!"
Iyon ang huling narinig ni Noreen bago pa siya tuluyan nawalan ng malay.
Sa muling pagmulat ng mata ng babae bumungad sa kaniya ang kisame na gawa sa yero. Hindi din maganda ang amoy ng paligid dahil sa mga halamang gamot na may halong amoy ng nabubulok na basura.
Tumingin siya sa kabilang side nagulat siya dahil bumungad sa kaniya ang isang batang mukhang pulubi.
"Papa! Gising na iyong babae!"
Napabangon si Noreen sa gulat at napa aww nong kumirot ang tagiliran niya. Nakarinig si Noreen ng gumugulong at pumasok ang isang guy na nakaupo sa tagpi ng kahoy at may apat na gulong. Pinagtagpi tagpi ang kasuotan at madumi.
"Mabuti naman gising ka na. Nari, bigyan mo siya ng makakain," utos ng lalaki sa batang babae na agad naman bumaba sa kama na kahoy at lumabas ng kubo.
"Kayo ba ang nagligtas sa akin?" tanong ng babae na puno ng pagkadisgusto. Hindi niya gusto ang lugar na iyon dahil sa sobrang dumi. Pinagpagan niya ang sarili at nakita niya na iba na suot niya.
"Wait! Ikaw ba nagpalit sa akin!" sigaw ni Noreen at napatakip ng katawan. Nanlaki ang mata ng guy.
"Hindi ako! Si Nari nagpalit sa iyo ng damit," ani ng guy at nagtaas ng kamay. Alanganin sinabi ng guy na wala siyang intensyon na masama.
"Nakita ka namin sugatan sa gubat kaya iniuwi ka namin katulong ang iba pang taga nayon. Hindi ako masamang tao," ani ng guy matapos makita na galit si Noreen.
Dumating ang bata na may dalang bowl na luma at may laman na lugaw. Nandiri ang babae at sinabi na hindi siya kakain.
"3 days ka na tulog, tita. Sigurado nagugutom ka na," ani ng batang babae at nilagay iyon sa table. Sinabi ng bata na wala silang ibang mapapakain sa babae dahil iyon lang meron sila.
Kumulo ang tiyan ni Noreen at narinig iyon ng lalaki at batang babae. Tinakpan ng batang babae ang tenga at sinabi na wala siya narinig.
"Kahit ano mangyari hindi ko kakainin iyan. Mukhang sinaing lang yan na nilagyan ng tubig," reklamo ni Noreen at hinawakan ang tiyan. Napabuga ng hangin ang lalaki tapos tinulak ang sarili palabas ng kubo.
Humiga ang babae tapos tumagilid. Tinalikuran niya ang bata na mukhang nalungkot dahil sa inasal ng babae. Katulad ng sabi ng ama niya galing sa city ang babae at hindi ito sanay sa bundok.
Hindi na nakakagulat ang ganoong ugali ng babae lalo na at mukha itong mayaman. Usap usapan din kasi ang kakaibang kasuotan ng babae at makinis nito na kutis.
Nagtiis ang babae sa gutom hanggang sa kinagabihan nakaamoy ng karne ang babae kaya naman agad ito napabangon.
"Tita, kumain ka na."
Kahit nakakamay kinuha ng babae ang plato tapos kumain. Kakaiba ang lasa ng karne na iyon pero dahil gutom na talaga siya hind niya pinansin.
"Dahan dahan lang tita. Madami kanina nahuli si papa na kuneho sa gubat. Hindi ka mauubusan..."
Naibuga ng babae ang kinakain at nahulog ang plato sa sahig. Nagulat ang bata dahil doon.
"Ano? Kuneho!"
Pumasok ang lalaki at tinanong ang nangyari. Nagkasuka-suka ang babae dahil sa kinain.
"Papa!"
Lumapit ang bata sa ama dahil sa takot. Akala niya mamatay na ang babae dahil halos isuka din nito lahat ng kinain.
"Wala ba talaga kayo matino makain dito?" iritable na tanong ng babae. Tila naman nainis ang lalaki.
"Probinsya ang lugar na ito at nakikita mo ang sitwasyon namin. Iyong sinasabi mo na kadiri at sinayang mo ay ang benta 'non ay pang tatlong araw na namin gastos mag ama kung maibenta sa bayan."
Nagulat ang babae dahil nakita na lang niya sarili sa labas ng kubo at pinagsarahan na siya ng pinto ng lalaki.
"Papa, hindi pa siya magaling," ani ng bata. Nagalit ang lalaki.
"Sinabi ko na sa iyo galing siya sa capital. Lahat ng tao sa capital matapobre at nakita mo sitwasyon natin. Hindi natin kaya mga demand niya, gising na siya kaya na niya umuwi."
Nainis ang babae sinabi na sino gusto tumira sa mabahong bahay ng lalaki.
"Akala mo kung sino!" sigaw ng babae at tumalikod. Umisang hakbang ang babae at nakita niya nakapaa siya. Bigla din humangin ng malamig dahilan para mapahawak siya sa sariling mga braso.
Maya maya may tumama sa likod ng hita niya. Lumingon siya at may nakita siya na tsinelas, bago pa siya makapag salita may tumama naman sa mukha niya na makapal na tela. Narinig niya pagsara ng bintana at sumigaw ang lalaki mula sa loob ng bahay sinabi na umalis na ito.
"Kumaliwa ka, diretsuhin mo ang kalsada papunta na iyon sa bayan!"
"Alam ko hindi mo ako kailangan turuan!"sigaw ng babae. Nagmamaktol na sinuot ng babae ang tsinelas at binalot ang tela sa katawan niya.
Nagpapadyak na lumabas ng kahoy na gate ang babae. Imbis kaliwa napapunta ito sa kanan.
"Papa, papunta si tita sa gubat. Delikado ngayon sa gubat. May mga taga labas na gumagala doon at mababangis na hayop," ani ng batang babae na kasalukuyang nakasilip sa butas ng dingding. Nakita niya ang babae na patungo sa gubat.
Napatigil ang babae sa paglalakad matapos makita na nawala iyong kalsada at gubat na iyong napuntahan niya.
"Gumanti ba sa akin pulubi na iyon? Nasaan ang bayan dito!" sigaw ng babae. Napatigil ang babae pagkatapos makarinig ng mga kaluskos.
Nakakita siya ng baboy ramo at talagang malaki ito. Walang dala na kahit anong armas ang babae, may injury pa din siya sa braso at malalim na sugat sa tagiliran.
"Hindi ito maganda."
Napaatras ang babae. Nabangga ang likod niya sa puno. Kung wala siya injury madali lang niya mapapabagsak iyon ngunit sa lagay niya sa mga oras na iyon hindi malabo na sa pag atake niya bumukas ulit ang sugat niya.
"Ano gagawin ko? Nakalayo na ako sa village."
Umatake ang baboy ramo, agad na umiwas ang babae at tumakbo. Kumuha siya ng matibay na stick at tinutukan ito. Sinubukan niya paluin ito ng kahoy ngunit mas mukha nagalit ang baboy ramo at walang pagdadalawang isip na inatake niya.
Napaupo siya sa sahig at nakaramdam siya ng malapot na likido sa tagiliran niya. Napaingit ang babae sa kirot 'non at sa sakit.
Nakaligtas siya sa bala, hindi niya akalain na sa ganoon lang siya mamatay.
Napasinghap ang babae noong bago pa makalapit sa kaniya ang baboy ramo may narinig siya malakas na putok ng baril. Bumagsak ang baboy ramo at sa likuran nito nakita niya ang dalawang bulto ng tao.
"Papa! Natamaan mo!"
Nagtatalon ang batang babae. Nagulat si Noreen dahil nakita na naman niya ulit ang dalawag pulubi at niligtas na naman siya nito.
"Arthur! Ano nangyari!"
May dalawang lalaki ang dumating na may hawak na sulo. Nagulat mga ito matapos makita ang napakalaking baboy ramo at isang napakagandang babae.
"Ang laki ng baboy!" sigaw ng isa sa mga ito. Agad na lumapit ang batang babae sa babae na ngayon is bakas pa din sa mukha ang gulat.
"Tita, ayos ka lang ba?"
Tinulak ng lalaki ang sarili palapit sa dalawang babae.
"Hindi mo ba alam pagkakaiba ng kaliwa sa kanan?" pikon na sambit ng lalaki. Agad naman siya nilingon ng anak.
"Papa hindi familiar si tita sa lugar. Huwag mo na siya pagalitan," ani ng batang babae. Napahawak ang babae sa braso.
"Manong pulubi hindi ba halata na hindi ako familiar sa lugar at malay ko sa kanan at kaliwa!" sigaw ng babae. Ayaw aminin ng babae na wala siyang sense of direction dahilan kaya hindi siya makaalis mag isa.
Tatayo ang babae noong mawalan ng lakas ang tuhod niya. Automatic na sinalo siya ng lalaki sa bewang at dahil doon pareho sila napahiga sa sahig.
Napatakip ng mata ang batang babae noong makita na aksidente nagkadikit ang labi ng dalawa.
Napalayo ang babae at sumigaw. Tinawag na manyak ang guy.
"Pare ayos ka lang?" tanong ng isa sa mga lalaki kanina na todo pigil ng tawa na tinulungan ang kaibigan.
"Kadiri! Kailan ka pa huling naligo!" sigaw ng babae at todo punas sa labi at katawan niya.
Napakamot sa ulo ang batang babae at napabuga na lang ng hangin ang guy.
"Mabuti pa umalis na tayo. Hindi na dapat talaga tayo pumunta dito. "
Natakot naman ang babae noong talikuran na siya ng pulubi sinabi na huwag siya iwan doon.
"Baka may dumating na naman na mabangis na hayop!" sigaw ng babae na nakaupo sa sahig.
"Huwag ka mag alala may papapuntahin ako dito mangangaso. Baka sa pagtambay mo dito may karne ulit na lumapit katulad na lang ng lobo. Hindi ka masamang bait."
Kinaumagahan,
Nakaamoy ang babae ng karne kaya agad ito napabangon. Napatigil siya noong makita na may mga dahon na nakalagay ulit sa braso niya at tagiliran.
Effective iyon para tumigil mga sugat niya sa pagdugo. Dumating ang batang babae na may hawak ulit na bowl.
"Ano iyan? Ayoko na ng kuneho," ani ng babae na may pagdududa. Tumawa ang bata sinabi na karne iyon ng baboy ramo na nahuli nila sa gubat.
"Inihaw ni papa iyong iba, iyong iba naman nilaga niya para makahigop ka ng mainit na sabaw."
Agad naman kinuha iyon ng babae at kumain. Napa aww siya dahil sa init noong kanin, bigla niya iyon hinawakan.
"Ayos ka lang ba tita? Masakit?" tanong ng bata. Napatingin sa kaniya ang babae tinanong kung wala ba sila kutsara.
"Pasensya na tita. Wala kami 'non dito."
Sa isip ng babae hindi siya tatagal doon. Gusto niya na makarecover agad at umalis. Kung hindi siya mamatay sa gutom, mamatay siya sa environment meron mga ito. Hindi siya pinalaki ng dad niya sa ganoong buhay.
Sa mga lumipas na araw bukod sa kumain, matulog at makipag away sa pulubi na naglitas sa kaniya wala na ibang ginawa sa Noreen. As usual puro pa din ito reklamo ngunit mukhang nasanay na ang mag ama at hindi na lang siya pinapansin.
"Bakit ito na naman ang ulam!" reklamo ng babae matapos makita na sitaw na naman iyon and worst wala 'man lang kahit ano na lahok. Wala iyon lasa.
"Kung ayaw mo kumain, wag ka kala. Iligpit mo na iyan Nari," utos ng pulubi. Naiinis naman ang babae na bumalik sa kama at nagcross arm.
"Wala naibenta si papa naibenta na mga ukit niya sa bayan at masyado naman maulan para makaakyat sa bundok," ani ng batang babae. Naitikom ng babae ang bibig at maya maya pabalya nito kinuha ang plato para kumain.
"Arthur! Lumabas ka diyan! Nasaan na iyong parte para kay mama! May nahuli daw kayo na baboy ramo noong isang linggo ah!"
Napatingin sa labas si Noreen at Nari. Tinanong ni Noreen sino iyong maingay sa labas.
"Tito ko, kapatid ni papa. Lagi nila kinukuhanan ng pera si papa at mukhang nalaman nila na may nahuli si papa na baboy ramo kaya nandito sila."
Lumabas si Arthur si kusina sinabi na matagal ng ubos ang karne at naibenta na niya mga ito. Isa sa mga lalaki ang bigla hinalbot sa kwelyo ang pulubi.
"Nakalimutan mo na ba responsibilidad mo sa amin! May sakit si mama at nag aaral ang ibang kapatid natin!" sigaw ng lalaki. Nagalit si Arthur.
"Nakikita niyo naman ang sitwasyon ko! Kailangan ko din mag ipon para kay Nari!" sigaw ng lalaki at tinabig ang kamay ng guy.
"Sinasabi mo ba na mas mahalaga pa ang future ng ampon mo na iyon kaysa amin!" sigaw ng isa sa mga kapatid ni Arthur.
"Mag ingat ka sa sinasabi mo! Anak ko si Nari!" sigaw ni Arthur. Isa sa mga kapatid ni Arthur ang sumipa ng board na sinasakyan ni Arthur dahilan para mapadapa ang lalaki sa lupa.
"Wala kami pake! Ibigay mo sa amin ang pera!" sigaw ng mga ito at pilit na kinakapkapan ang guy.
Lahat ng kapitbahay nina Arthur nakiisyoso na hindi naman bago ang ganoong sitwasyon. Minsan kapag wala talaga maibigay si Arthur pinapasok ng magkapatid ang bahay at kinakalat mga gamit para maghanap ng pera.
Wala magtangka tumulong dahil na din sa takot sa mga kapatid ni Arhur na talagang bully.
"Tigilan niyo papa ko!"
Tumakbo si Nari at hinahampas iyong isa sa mga kapatid ni Arthur.
"Nari!" sigaw ni Arthur noong bumagsak ang bata pagkatapos hilahin ng lalaki ang paa niya. Umiyak ang bata sinabi na huwag saktan ang papa niya dahil wala na talaga silang pera.
Napasigaw ang tatlong lalaki pagkatapos may pumutok na baril at tumamang bala malapit sa paanan nila. Napasigaw din ang mga tao.
"Gumalaw kayo ngayon diyan sa kinatatayuan niyo, sa ulo niyo na susunod na tatama ang balang ikakasa ko."
Nagulat ang lahat pagkatapos makita iyong estranghera na babaeng nailigtas nina Arthur. Nakatayo ang magandang babae sa pinto at may hawak na rifle.
Hindi alam ng tatlong kapatid ni Arthur kung hahanga sa ganda ng babae or matatakot dahil may hawak ito na baril. Kinasa ng babae ang rifle dahilan para mapasigaw ang isa sa magkakapatid.
"Hindi na kami gagalaw!"
Yakap ng batang si Nari ang ama na nilingon si Noreen na walag emosyon nakatingin sa mga kapatid. Sa pagkakataon na iyon napatanong si Arthur sa tunay na identity ni Noreen.
Sa paghawak nito ng baril, tayo at sa pagtama ng bala halatang hindi ito ang unang beses humawak ito ng baril. Wala din sa actions nito na may pagdadalawang isip ito itutok ag baril sa isang tao.