02

2173 Words
Chapter 02 Tumakbo paalis mga kapatid ni Arthur. Binaba ni Noreen ang rifle at tiningnan ang dalawang pulubi na nagligtas sa kaniya. "Bayad na ang isa sa mga utang na loob ko sa inyo. Nailigtas ko na kayo ng unang beses," ani ng babae at tumalikod. Pumasok ang babae sa bahay. "Papa, tingnan mo hindi siya masamang tao," ani ng batang babae. Ginulo ni Arthur ang buhok ng anak. "Ano sinabi ko sa iyo about sa pagtitiwala? Hindi mo pwede sabihin na mabuting tao ang isang tao dahil nagawan ka niya ng pabor ng isang beses," ani ni Arthur. Napanguso ang bata sinabi na nararamdaman niya mabait ang babae kahit ganoon ito magsalita. Sa loob ng bahay habang nakahiga nag iisip si Noreen paano makakakuha ng pera. Kahit pa gumaling na siya kailangan niya pa din ng pera para makaalis doon at makauwi. Hindi niya pwede iaasa iyon sa dalawang pulubi. Naiinis na bumangon ang babae at napakamot sa ulo. Napatigil siya pagkatapos maramdaman na naglalagkit na ang buhok niya. Sakto pumasok ang batang babae. "Nari, wala ba kayo tubig dito? Saan pwede maligo?" tanong ni Noreen. Nalungkot ang batang babae at lumapit. "Hindi pwede paliguan ang balon at iyong ilog kailangan mo pa tumawid ng bundok. May tatlong balon dito sa village, dalawa doon kailangan bayaran tapos iyong isang balon na malapit dito, nasa tabi ng bahay nina tito at ayaw nila kami doon paigibin," ani ni Nari. Nagbabayad na lang sila para makainom at hindi iyon nabibili ng mura. Malayo din ang balon doon mula sa kanilang bahay tanging ang ama lang niya ang nag iigib. "Arthur! Lumabas ka diyan!" Natakot si Nari dahil wala ang ama niya at narinig niya ang boses ng lola niya. Marahas na binuksan ng matanda ang pinto. "Nasaan ang punyeta mo na ama ha! Nakalimutan na ba niya na may mga magulang siya at responsibilidad niya ba suportahan kami!" sigaw ng matanda. Napataas ng kilay si Noreen. Naghilakbot ang tatlong magkakapatid noong nakita si Noreen na nakaupo sa higaan na kahoy. "Pumasok kayo dito ng walang pahintulot at wala ang may ari ng bahay. Gusto niyo ba maireklamo sa village leader?" sabat ni Noreen. Napalingon ang matanda at dito nakita niya ang magandang babae. "Ang bastardo na iyon! Nag uwi pa siya ng babae!" sigaw ng matanda. Pinalalayas ng matanda si Noreen sinabi na wala siya mapapala kay Arthur. "Huwag niyo siya paalisin!" sigaw ng batang si Nari at humarang. Nagalit ang matanda tapos tinulak ang bata dahilan para mapaupo ito sa sahig. Napakapit ng mahigpit si Noreen sa gilid ng kama. "Wala ako pakialam kung sino ka pero kung ipagpapatuloy mo panggugulo dito. Huwag mo ako sisihin kung tamaan ka sa akin maya maya lang," pagbabanta ni Noreen. "Hah! Pinagbabantaan mo ba ako? Nanay ako ni Arthur! Ang kapal ng mukha mo pagbantaan ako!" sigaw ng matanda at dinuro duro ang noo ni Noreen. "Waah!" sigaw ng matanda pagkatapos kapitan ng babae ang daliri ng matanda at pilipitin iyon. "Mama!" sigaw ng magkakapatid. Tiningnan sila ng babae, agad na napaatras ang mga ito. "Punyeta! Ano tinitingin tingin niyo diyan! Tulungan niyo ako!" sigaw ng babae. Noong pahapon na pauwi na si Arthur na may bitbit na galon ng tubig kasama ang dalawang kaibigan. "Ano meron?" tanong ng kaibigan ni Arthur pagkatapos makita madaming tao sa labas ng bahay ni Arthur. "Ahhh! Tulong!" Agad na pinagulong ni Arthur ang board palapit sa harap ng gate at nagulat siya pagkatapos makita lumipad ang isa sa mga kapatid palabas ng bahay at nawasak ang pintuan nila. "Hindi ba kayo nakakaintindi na huwag niyo guguluhin ang bahay! Wala dito iyong anak niyo." Nashock ang magkakaibigan at si Arthur pagkatapos makita si Noreen na sinampal ang ina ni Arthur. "Sa susunod na pumunta pa kayo dito at saktan si Nari, lalabas na kayo ng bahay na gumagapang," may pagbabanta na sambit ng babae at hawak sa kwelyo ang ina ni Arthur. "Tawagin niyo na ang village leader. Bilisan niyo," ani ng isa sa mga tao na nasa labas ng bahay. "Papa!" Tumatakbo si Nari lumapit sa ama. Doon nakita ng ina ni Arthur si Arthur at bigla na lang tiinulak ang babae. "Naki... Nakita mo ginawa ng babae na ito sa akin Arthur! Binugbog niya mga kapatid mo at sinampal ako! Saan mo ba nakilala ang baliw na babae na ito," ani ng ginang tapos tinuro turo ang babae. Nilagay ng babae ang mga kamay sa bulsa at pokerface sinabi na bagay lang iyon sa matanda. "Dapat ka mapalayas dito! Wala ka respeto! Ang kapal ng mukha mo tumira sa bahay ng anak ko at maging dagdag palamunin niya. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?" tanong ng matanda. Hindi kasal si Arthur at ang babae. Isang malaking kahihiyan para sa pamilya ng mga nandoon ang makita nila ang anak na babae na nasa tirahan ng lalaki na pareho walang asawa. "Saang era ka ba nandoon tanda? 21st na ngayon at normal na lang ang ganitong set up," ani ng babae at humakbang, agad na umatras ang matanda. "Alam mo ang hindi normal dito?" tanong ng babae at tinuro ang anak ng matanda na tatlo. "Tatlo ang anak mo na lalaki, walang kapansanan at malalaking tao. Hindi ka din naman ganoon katanda para hindi magtrabaho, hindi ko maintindihan bakit umaasa kayo sa anak niyo na may kapansanan at may isa ng anak na binubuhay. Hindi ba kayo nahihiya para sa mga sarili niyo?" dagdag ng babae tapos ngumisi ito ng nakakatakot. "Baka gusto niyo bigyan ko kayo ng sapat na rason para habang buhay mapagsilbihan," ani ni Noreen at may dinampot na malaking kawayan. Agad na pinagulong ni Arthur ang board na sinasakyan niya at hinawakan ang wrist ni Noreen noong makita na hahampasin ng babae ang mga kapatid at ina. "Nababaliw ka na ba?" tanong ni Arthur. Agad na hinila ng babae ang kamay at tiningnan ng masama ang lalaki. "Ang pamilya mo na iyan ang nauna. Pumasok na lang sila sa bahay at binato lahat ng gamit. Harassment, tresspassing at bandalism ang ginawa nila," may diin na sambit ng babae. Napatawa ang ina ni Arthur. "Anak ko si Arthur, ano kung pumasok ako sa bahay niya?" tanong ng matanda. Bakas sa mukha ng babae ang pagkairita lalo na noong duruin siya ng mga tao at sinabihan na makapal ang mukha. "Dayo lang iyan dito. Mabait si Arthur kaya pinatira siya sa bahay nila." "Tama dapat paalisin na iyan dito!" Sakto dumating ang village leader at agad na nagsumbong mga kapatid ni Arthur about sa pambubugbog sa kanila ng babae at pagiging bayolente nito. "Village leader, dayo lang ang babae na iyan at nakikitira sa bahay ni Arthur. Tingnan mo ginawa niya sa amin mag ina!" ani ng ginang at tinuro mga anak. "Arthur?" tawag ng village leader. Pangisi ngisi ang magkakapatid na tiningnan ang babae na hindi maipinta ang mukha. Pinotrektahan ng babae ang bahay at ang bata, as usual kahit ano kabutihan gawin niya wala nakakaappreciate 'non. Ang pinakaworst is walang nagtitiwala sa kaniya. "2 days ago kinausap ko ang village chief about kay Noreen at sa pagtira niya sa bahay ko. Pumirma ako ng kasunduan at pumayag ang village chief sa na magstay si Noreen. Isa na siya sa mamayan ng village at pwede siya tumira dito hanggang sa kailan niya gusto," ani ni Arthur tapos nilingon ang mga kapitbahay niya. "Ano! Nasisiraan ka na ba ng ulo! Hindi pa ba sapat na umampon ka ng bata, gusto mo pa kumupkop ng rebeldeng babae katulad ng babae na iyan! Ni hindi mo alam saan nanggaling?" sigaw ng matanda at tinuro si Noreen. "Bahay ko ito mama, pera ko ang pinanggagastos ko at ako ang nagbabayad sa pag stay ni Noreen sa village na ito. Ako ang magdedecide kung sino patitirahin ko sa bahay at makakasama ko," ani ni Arthur. Agad naman na nagreklamo mga kapatid ni Arthur. "Ikaw! Ikaw na bata ka! Napakawalanghiya mo!" sigaw ng ginang at napahawak sa dibdib. Agad ang matanda sinalo ng isa sa mga anak. "Dahil sa babae nasira ang magandang buhay mo sa city! Dahil sa babae nangyari iyan sa iyo at dahil din sa babae tinanggap mo ang responsibilidad sa bata na iyan! Hindi ka pa ba nadadala, talagang susuwayin mo ako para sa babae na iyan!" sigaw ng ginang at sinabing ang tanga ni Arthur. Napatingin si Noreen kay Arthur. Naging usap usapan iyon ng mga tao na nakikiisyoso. Sinasabi na mukhang palaging sabik si Arthur sa babae. "Few weeks ago nagkaroon na tayo ng usapan na wala na ako magiging koneksyon sa inyo diba? Bakit pa kayo pumupunta dito para manggulo? Walang dahilan para paalisin ko si Noreen dahil malinaw na bahay ko ito at bigla na lang kayo pumasok ng bahay. Gusto niyo ba tumawag pa ako ng officer para ipakulong kayo?" tanong ni Arthur. Sinabi ni Arthur kung ano 'man mga desisyon niya wala ng pakialam doon ang ina at mga kapatid niya. "Wala din kayo pakialam sino ang gusto ko tulungan." Gumawa ng eskandalo ang matanda doon as usual. Sinabi kung paano kawalanghiya si Arthur at walang karespeto sa magulang. Napasapo sa noo ang isa sa mga kaibigan ni Arthur. Sumasakit ang ulo niya dahil sa gulo ng pamilya ng kaibigan. "Dalahin na kaya natin ito sa head office," ani ng isa sa mga kaibigan ni Arthur. "Huwag kayo mangialam!" sigaw ng isa sa mga kapatid ni Arthur sa mga kaibigan ni Arthur. "Ikaw tatamaan ka na sa akin! Kayo na gumawa ng eskandalo kapal ng mukha niyo mag act na parang kayo ang biktima!" nag snap ang isa pang kaibigan ni Arthur at babanatan ang kapatid ng lalaki. Agad siya pinigilan ng kasana at sinabi na kumalma. "Umalis na kayo mama. Kayo na nagsabi na hindi na ako parte ng pamilya niyo at pumirma na tayo ng kasunduan. Wala na kayo makukuha sa akin," ani ng lalaki. "Ikaw! Walang hiya ka na bata ka! Kung alam ko lang na gaganituhin mo kami paglaki mo hindi na sana ako pumayag na bumalik ka!" sigaw ng ginang at susugurin ng babae si Arthur nang sipain siya ni Noreen. Lahat napasinghap sa ginawa ng babae. Agad na bumaliktad ang matanda at napaupo sa balde na puno ng maduming tubig. "Ahhh!" tili ng matanda pagkatapos maamoy ang sarili. "Masyado ka na maingay. Ang aga aga mo pumutak. Hindi ba kayo makaintindi ng human language?" tanong ni Noreen. Nagtatalon ang batang babae sinabi na ang cool ni Noreen. Nashock naman mga kaibigan ni Arthur dahil sa ginawa ng babae. "Ikaw na babae ka! Namumuro ka na!" sigaw ng first brother ni Arthur at sasampalin si Noreen. Nanlaki ang mata ng lalaki pagkatapos siya hawakan ni Noreen sa braso at ibalibag. Napatili ang mga tao at nataranta ang village leader. Doble ang timbang ng lalaking binalibag ni Noreen ang pinakaworst is sa liit na iyon ni Noreen parang manika lang niya binalibag ang kapatid ni Arthur. "Miss Noreen! Tama na," ani ng village leader na pumagitna. "Village leader! Tingnan mo ginawa ng babae na iyan sa mama at kapatid ko!" ani ng second brother ni Arthur. Gusto ng mga ito ipakulong si Noreen at ireklamo. "Malinaw na self defense ginawa ko." Pinagpagan ng babae ang sarili sinabi na madami tao nakakakita at tinuro mga kapitbahay nila. "Ikaw!" Nagalit si Arthur sinabihan ang mga kapatid na umalis na. "Kung ayaw niyo na kayo ireklamo ko at ipakulong!" sigaw ni Arthur sa mga kapatid niya. Humakbang si Noreen agad na binuhat ng magkakapatid ang ina at first brother nila. "Hindi pa tayo tapos!" sigaw ng ina ni Arthur at tinuro si Noreen habang hawak ang balakang. Nagtawanan naman ang ilan sa mga nakikiusyoso dahil ilan sa mga ito is sawa na din sa ginagawang pambubully sa kanila ng mga kapatid ni Arthur. Makita nila na bahag ang mga buntot na umalis ang magkakapatid ay talagang nasatisfied sila. "Those bastard, kalilinis ko lang ng bahay at bakuran," gigil na sambit ni Noreen at sinipa iyong timba. Tiningnan ni Noreen mga kapitbahay ng masama. "Tapos na palabas ano pa ginagawa niyo dito! Alis!" sigaw ni Noreen. Wala na talaga sila magawa sa temper ni Noreen. "Thank you." Napatigil si Noreen at yumuko tiningnan niya si Arthur na basta na lang nagthank you sa kaniya. "Hindi ko iyon ginawa para sa iyo. Naiirita lang talaga ako sa pamilya mo dahil sa ingay nila," ani ng babae at nagcross arm. Tumalikod ang babae at naglakad palapit sa pintuan. Muntikan pa ito matumba pagkatapos sumabit ang paa nito sa pinto na natumba kanina. "Punyeta," mura ng babae at sinipa iyon bago nagpapadyak papasok ng bahay. "Papa, sina lola ang nauna. Ginulo nila iyong mga gamit natin tapos nabato ako nina tito ng lalagyan ng asukal," ani ni Nari tapos tinuro iyong pasa sa kaliwang paa niya. Agad na hinawakan ni Arthur ang paa ng anak at tinanong kung masakit iyon. Tumango-tango si Nari. Inabot ng lalaki ang ulo ni Nari sinabi na gagamutin niya mamaya ang injury ng bata. "Huwag ka na masyado muna gumalaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD