Tatakbo pa lang sana si Lorraine nang maramdaman niya ang pagsidhi ng sakit sa kanyang sinapupunan dahilan upang mapasigaw siya ng malakas. "Black Princess," mabilis na salo ni Black Oregon sa babaeng tila nawalan ng ulirat matapos mapasigaw. Pagkasalo ay nakita ang pagtulo ng dugo sa sahig. "Sh*t!" pakatak na bulalas. "Black Oregon," tawag sa kanyang likuran. Natigilan si Zayn, alam niyang nahuli na naman sila pero mas concern siya ngayon sa kondisyon ni Black Princess. Mabunutan siya ng tinik sa diddib nang napagtanto na si Menardo ang isa sa mga lalaking papalapit sa kanila. "Menardo?" aniya na nabuhayan ng loob. "Ligtas na kayo," anito. "Ano'ng ibig mong sabihin?" maang niya sa lalaki. "Nahuli na namin si Black Scorpion, maging ang mga tauhan niya," sagot nito. "Lorraine!" isan

