Matatalim ang mga matang nakatingin kay Kuwago na kampante pa rin sa kama habang panay ang buga nito ng usok ng sigarilyo. Inis na inis siya sa dating tauhan, kung hindi lang niya inisip ang anak na nasa banyo ay kanina pa niya ito pinagbabaril. "Sabi ko, nasaan ang aking anak!" galit na tanong niya. Tumawa lang si Kuwago kaya siya na ang nagtungo sa banyo upang usisahin ang anak. Tuon pa rin ang mga mata kay Kuwago dahil anumang maling kilos niya ay tiyak na mauutakan na naman siya nito. Baka kasi may itinatago itong baril at maunahan pa siya nito. Agad na kinatok ang pinto ng CR. "Anak, lumabas ka na riyan," sigaw niya sa anak na nasa CR. Hindi niya maialis ang tingin kay Kuwago kaya nang bumukas ang CR ay hindi nakita kung ang anak ang lumabas. "Anak, ligtas ka na," aniya ngungit wa

