Hindi maiwasang mapaisip si Lorraine kung ano ang ginagawa ni Mikaella sa kanyang hospital room, binabawi na ba niya si Philipp sa kanya? "Ano'ng ginagawa mo rito?" untag na ulit niyang tanong. "A-Anak, k-kasama k-ko s-siya," nauutal na tugon ng ina kaya napatingin siya ng matiim sa ina. Kita niyang naiiyak ito at tila may gustong sabihin pero hindi magawang magsalita. "Aalis na muna ako," mahinang turan ni Mikaella. "H-Huwag," mabilis na tutol ng ina rito. Naguguluhan na talaga si Lorraine sa kinikilos ng ina. "Si daddy?" tanong pa niya. "Anak, may dapat kang malaman," sabad ng ina na kinatahimik niya. Tama ba ang hinala niyang may inililihim din ang kanyang ina at ngayon na niya sasabihin sa kanya. "Mom—I mean, tita," bawing wika ni Mikaella. Napakunot-noo si Lorraine, naglalaro

