Abalang-abala si Mikaella para sa kanyang kaarawan, habang inaayos ang kanyang make-up ay hindi maiwasang mapangiti lalo na at naalala ang guwapong mukha ni Zayn. Plano niya kasi itong ipakilala sa ama at mabago ang pananaw nito hinggil sa lalaki. "Uhmmm! Mukhang iba na naman ang ngiting 'yan, girl," untag ni Cheska sa kanya. Mas lalong tumamis ang kanyang pagkakangiti. "Dahil ba kay Zayn kaya ang tamis at kulang na lang langgamin ang ngiti ng babaitang 'to," parinig ng kaibigan. Tumbok na tumbok nito ang dahilan ng kanyang pagkakangiti. "Girl, this is it? Kapag nag-propose si Zayn sa 'kin ay oo agad ang isasagot ko," excited at palatak niyang wika sa kaibigan nang matigilan ito hanggang sa maramdaman niya ang pagbatok nito. "Ouch, naman girl, sakit noon, ah!" angil pa niya kay Cheska

