Pagkaalis nina Menardo at nang lalaking sumuko ay hindi maiwasang magkailangan nina Philipp at Mikaella. Hindi nila akalain na magkikita at magkakasama silang muli ng dating karelasyon sa isang misyon, ang huliin ang daddy nito. Matagal na katahimikan ang namayani, hindi alam ni Philipp kung papaano sisimulang kausapin si Mikaella dahil batid na umiiyak pa rin ito. "I'm sorry, matagal kong binalak sabihin sa 'yo 'to pero natatakot akong masaktan ka, alam ko naman kung gaano mo kamahal ang ang 'yong daddy," panimula niyang wika. Kitang nagpunas ito ng luha saka tumitig sa kanya, damang-dama niya ang sakit sa mga mata nito. "Sana sinabi mo na lang para hindi naman ako nagmukhang tanga sa paningin mo," bulalas nito. "Wala akong ganyang intensyon—" putol na turan nang pagalit na sumabad

