Nagising ako nang buksan ni Mommy ang bintana ng aking kuwarto. Ganito ako tuwing umaga, hindi nagigising kapag hindi nasinagan ng araw at isa pa, naging alarm clock ko na rin ang paghawi ng kurtina ni Mommy tuwing umaga. She always do this first thing in the morning. She don't want me to wake up lately. Kahit naman alam kong sakto lang na babangon ako pasado alas syete ng umaga.
Dammit! 8:30 pa ang pasok ko.
"Alas sais na Ari, wala ka bang balak na pumasok?" utas pa ni mommy. Halos tuwing umaga ko na naririnig ang katatagang ito mula kay mommy.
Tssk. 19th people always don't want their child wakes up lately.
Ilang beses pa akong gumulong sa kama bago umawat sa pagkakahiga. Isa talaga sa mga pagsubok ko tuwing araw ay ang bumangon sa kama, dammit! Ang hirap kayang bumangon.
Alam kong iilang minuto nalang at nandoon na rin si Andra sa labas, naghihintay sa'kin kaya binilisan ko na lang ang pagligo.
I pick my best outfit total ay wednesday naman ngayon kaya malaya kaming nakakapili ng isusuot. I'm still freshmen though so hindi ganoon ka-strict pagdating sa school outfits.
Habang nakaharap sa salamin ay hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa deal ni Lucas. Hindi ko alam kung paano iyon sisimulan at gagawin. Well, it seems that he's into it kaya alam kong expert na siya sa mga ganoong bagay. Sa mukha pa lang ay halatang nasa ilang daan na ang babaeng dumaan sa mga kamay niya.
Well, in his face, I wonder how he'll deal every girls he had dating. Siguro ay napaiyak niya lahat nang 'yon.
He's playboy. Physicaly. Ramdam ko iyon sa bawat galaw, pananalita at postura niya.
Nang makalabas ako sa bahay ay agad kong nadatnan ang sasakyan ni Andra sa labas ng gate. Well, as usual.
"Sure ka na ba sa outfit mo? " taas kilay nitong sambit sa'kin nang umupo ako sa front seat ng kanyang kotse. She always questioning me about my outfits.
Siguro ay hindi siya sanay na makakita ng simpleng outfit ng babae gayong siya ay halos maghubad na lang.
She's wearing crop top and a fitted skinny jeans. Dammit! Hindi ako sanay na suotin 'yan!
"Oo, bakit?"
She just raise her eyebrows while looking at me sharply. Anong meron sa babaeng 'to? Ang aga aga nagsusungit agad.
"Damn it Ari, nakalimutan mo bang Intramural natin ngayon? Tapos? Naka casual outfit ka? " tinaas niya ang boses niya.
Napahawak ako sa palda ko. Anong meron doon?
"Ano ngayon? Hindi naman ako kasali sa mga activity na igagawad, ah? " reklamo ko pa.
"Bahala ka na nga jan," Pinaandar niya ang kotse at saka nagsimula nang magtungo patungo sa paaralan.
Kailangan ba talagang mag-sports attire? Porke't intramural daw.
Muntik ko na atang nakalimutang Intramural nga pala namin ngayon. I am not fan of sports kaya okay lang ang suot ko pwera nitong kay Andra na kasali sa cheerdance kaya dapat magsuot ng sport attire.
Oo, ganoon kami ka layo sa isa't-isa ni Andra. She has everything. From beauty, talent and charisma habang ako'y hindi ko alam kung anong meron sa'kin.
Well, I don't care. Importantr ay buhay at humihinga nang maayos. Okay na ako doon.
Pagdating kong school, medyo busy ang ibang estudyanteng kasali sa aktibidad. Others are practising their yells at iyong iba naman ay nag-iinsayo para sa iba't-ibang sports mamaya.
Dumiretso na lamang ako sa unang asignatura ko at gaya ng hula ko, hindi ganoon ka seryoso ang klase. Nagbigay lang ng kaunting report ang professor namin at pagkatapos wala na, nabobored tuloy ako.
Wala si Andra ngayon dahil magbloblocking raw sila para sa presentation nila mamaya kaya medyo bored ako sa classroom. Wala akong ibang magawa kung hindi ang magbasa in advance sa topic namin.
Call me nerd but this is what the usual thing I did kapag naiilang ako at walang magawa.
Isa sa malaking activity raw dito sa CNU ay ang Intramural at labis na pinapahalagahan ng unibersidad na ito ang sports kaya binigyan talaga nila ito ng matagal na panahon. CNU is known as an Elite University in Cebu kaya nandito rin ang magagaling na manlalaro sa iba't-ibang isports.
Basketball, tennis and many more sports; lahat iyon ay makikita mo mismo dito sa unibersidad. They value sport so most students here are known as sporty one. Karamihan sa kanila ay may talento. Sports man, vocal, leterary or any other talents.
Dakong alas dos ng hapon nang pinapapunta ang lahat sa gym. Ito ang unang araw ng Intramural at sa unang araw gaganapin ang Ball Games at isa na doon ang Basketball.
Most of the students seems so excited for this game. Hindi ko alam kung bakit. May nakikita pa akong mga banner na alam kong pang-cheer ito mamaya during the game.
Wala akong tanging kasama sa gym. Nakaupo lang ako sa second layer ng bench. Maaga akong nakarating sa gym kaya ako ang nakapwesto rito at isa pa, machecheer ko rin si Andra kapag nasa malapitan.
I am excited how my cousin perform this cheerdance. Alam kong marami nanamang lalaking magkakarandarapa sa pinsan ko ngayon: especially freshmen boys.
Ina-announce na ng MC na magsisimula na raw ang liga sa iilang minuto kaya lahat ng estduyante dito sa gym ay kating kati na. Nilibot ko ang kabuuang parte ng gym at pansin kong karamihan sa estudyanteng narito ay may dalang kung anu-ano, masupurtahan lang ang iniidolo nilang player.
Well, hindi na bago sa'kin ang dating ng mga Montemayor. Karamihan ay pangalan nila ang nakalagay sa tarpaulin kaya ini-expct ko na lang na sasabog itong buong gym kapag magsisimula na ang laro.
I think majority of the sponsor here are in the side of Montemayors. Ganoon sila kasikat.
Sa ilang minutong pagkakaupo ay kaagad kong napansin ang kakaibang titig sa'kin ng mga estudyante sa tabi ko. Binaliwala ko na lang sila at nilibang ang sarili sa cellphone ko habang hinihintay na magsimula ang laro.
Alam kong hindi pa rin nawala ang nangyari noon dito sa gym at ngayong nandito na naman ako ay ramdam ko pa rin ang pakiramdam noong hapon na iyon.
Napunta ang atensyon ko sa harap nang makita ang grupo nina Andra. She's the Cheer Dance Leader kaya siya ang nasa center. Kapansin pansin ang kilos niya. The way she dance, move and act, it is so seducing. May mga estudyanteng sinisigaw ang pangalan niya kaya napatingin ako doon.
Not all student here in CNU knows that we're relatives at hindi ko pinapangarap 'yon. Malayo ang buhay namin ni Andra. She's known in this University habang ako ay nakilala bilang nang-aakit sa isa sa mga Montemayor. May mga lalaking nagkakarandarapa kay Andra habang ako? Ewan ko.
Kuntento na ako sa buhay ko kung saan malayo sa mga mata ng estudyante. Pero ngayon, ewan ko. Dahil sa lintik na Monyemayor na iyon ay naging usap-usapan ang pangalan ko and dammit! I don't like it!
Nang matapos ang presentasyon ay maraming lalaking umabot nang kung anu-anong regalo kay Andra. Well, hindi ko naman siya masisisi. She know how to handle her self. She know how to be a real lady sa harap ng mga tao in a humble manner. Marami siyang alam. Hindi ko tuloy alam kung bakit kami naging pinsan. Ang layo layo ko. I don't believe those people who says we have the same beauty.
Nang pumasok ang dalawang varsity team ay doon na mas sumabog ang buong gym. Most of the students are screaming for Montemayors, lalo na kay Lucas.
Hmmm? Really?
Isang team sina Lucas habang ang kalaban naman nila ay galing sa College of Technology. May mga nagchecheer din naman sa kabilang grupo pero karamihan ay kay kina Lucas.
Lucas is wearing a light green jersey with a 03 number. Sa tuwing siya ang may hawak ng bola ay natritrigger ang kabuuang gym dahil sa lakas ng sigaw at mas lumakas pa iyon kapag nashoot niya ito.
Tahimik lang akong nanood sa laro habang ang mga estudyante sa tabi ko'y halos sasabunutan na nila ang katabi nila sa kakasigaw. Nabibingi na ata ako sa katahimikan ko dito. Eh? Sino ba ang isisigaw ko? Hindi ko naman kilala ang mga players na yan pwera na lang kay Lucas and damn! Mas lalong ayaw ko siyang i-cheer no!
Nang dumating ang timeout ay kaagad akong kinabahan nang humakbang si Lucas sa banda ng inuupuan ko. Hindi ko alam kung ngayon na ba niya sisimulan ang deal pero for pete's sake, please don't.
Huwag naman dito sa gym. Ayoko nang maging sentro sa mga mata ng mgao tao. Goddammit Lucas!
Napatingin ako sa babaeng may hawak na panyo at tubig na nakaupo sa VIP benches. Nakatalikod siya kaya wala akong ibang makita kung hindi ang kanyang buhok at ang kamay niya. Tumayo ito nang lumapit si Lucas. Halos lahat ata ng babae dito sa inuupuan ko ay sa kanila ang tingin.
Hmm. Masyado ka atang assuming Ari!
Using her right hand, she wipped the sweats in his face down to his neck. Sa nakikita ko, ito na ata ang tinutukoy ni Lucas and damn! Paano niya ito magagawang hihiwalayan.
Nang humarap ang babae sa banda ko ay doon ko na nakita ang kabuuan ng kanyang mukha. She has the chemistry where do elite girls have. Bagay nga talaga sila.
"Ang swerte talaga ni Janice ano? Well, wala naman talagang makakapantay sa ganda niya dito kaya tama lang na kay Lucas siya mapupunta, nakakainggit lang." Wika pa ng babaeng di kalayuan kung saan ako nakaupo.
So? Janice is her name. Hmmm.
Nanlaki ang mga mata ko nang lumipat ang tingin ni Lucas sa kung saan ako nakaupo. Napaiwas kaagad ako ng tingin doon sa lugar kung nasaan siya at inilipat na lang sa ibang player na abala sa pagpapahinga. Damn you Lucas, ang ganda pala ng girlfriend mo!
Sa nakikita ko ngayon, hindi ko alam kung totoo ba iyong sinasabi niyang deal. Hindi ko alam kung totohanin niya pa ba iyon. Wala naman akong nakikitang problema sa girlfriend niya, sa katunayan nga ay sweet at mapangalaga nga e. I don't know if he can still find that kind of girl who already have everything.
"O my god girl, he's looking at me!" Sabi noong katabi kong kanina pa malikot na kung rude ako ay tiyak kanina ko pa sinita.
"No! Sa'kin nakatingin ang Lucas ko!" Sabi noong katabi niya.
Mga etchusera!
Hindi ko na ginawaran ng tingin kung saang banda si Lucas kaya hindi ko alam kung nakatingin pa ba siya dito. Mas lalo lang tuloy akong natahimik at nadagdagan pa ng ilang.
Nang magsimula na ang laro ay doon lang ako naging komportable ulit sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa kay Lucas talaga dumidikit ang atensyon ko.
Nawala na kaagad ang ingay sa paligid ko at napalitan iyon ng matinding katahimikan habang pinagmasdam si Lucas na minamaniobra ang hawak na bola. Kitang kita ko ang pawis sa kanyang mukha habang tumatakbo papunta sa ring nila. Ang matuwid nitong buhok ay medyo magulo na pero bagay pa rin sa makinis at maputi niyang mukha.
I wonder how it feels to wipe his sweats. Alam kong iyon ang tanging pinapangarap ng mga kababaihan dito sa campus.
Does touching him is a big big deal? Ganoon ba siya ka banal dito sa campus? Bakit hindi ko naramdamang espesyal siya?
Ngayong malapit na ang end of quarter ay naging mas mainit ang labanan. Limang puntos lang ang lamang ng team nina Lucas kaya kayang kayang pang mabawi ito ng kabilang team.
"Go Lucas!"
"Whooo! Go Lucas! Shoot mo na!"
Halos mabingi ako sa kasisigaw ng mga katabi ko ngayon. Ganoon ba talaga kakilala ang pangalang Lucas at sa tuwing siya ang may hawak ng bola ay sasabog kaagad ang pangalan niya?
Last Quarter nang napansin kong lamang na ng limang puntos ang kabilang team. Ramdam ko ang trigger ng mga taga suporta ng team nina Lucas. Hanggang sa nakabawi sina Lucas ng dalawang puntos. Para sa'kin ay hindi na nila ito mababawi. Iilang sigundo nalang kaya imposbleng makukuha nila ang three point shot.
Mas sumabog ang gym nang makuha ni Lucas ang bola. I look at the time. 10 seconds left. Hindi ko alam pero pokus na pokus ako doon sa takbo niya.
The way he run, his facial expression, ang pawis sa kanyang mukha at ang medyo magulo niyang buhok ay siyang nagpapatigil sa'kin. The memory of that day suddenly flashed at my mind. Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko sinadyang matulala. Hindi ko alam kung bakit tumatak sa ala-ala ko ang nangyari noony hapon na 'yon. Maybe because that's the reason why I had a miserable memory here in school. Siguro kaya ko naalala ang nangyari 'yon dahil pakiramdam ko'y isa iyong malaking pagkakamali.
Nagsitayuan ang mga tao kaya bigla akong natauhan. I look again in the Score Board at nang makita ang standing ay laking gulat ko.
105:108
Hindi ako nakapaniwalang magagawang i-shoot ni Lucas ang Three Point Shot sa loob ng sampung sigundo. Hindi ko na rin namalayan ang pagshoot niya ng bola kaya sobra talaga akong nagulat.
Ang galing niya.
Alas tres na nang matapos ang laro. Hindi kaagad ako nakalabas ng gym dahil sa dami ng estudyante. Pinagmasdan ko na lang sina Andra at ibang players na busy sa pakikitungo sa kanilang mga fans. Iyong iba naman ay busy sa pagkuha ng litrato.
Napagpasyahan kong sa mismong parking lot ko na hihintayin si Andra. Total ay iilang minuto ay nandito na iyon.
Ilang sigundo pa lang ay nagulat kaagad ako nang biglang may tumabi sa inuupuan kong bench. Kaagad kong naamoy ang pamilyar na pabangong panlalaki. Naghahalo ang amoy pawis at pabango na alam kong sa iisang lalaki ko lang maaamoy.
Ayokong mag-assume pero dammit! I can't stop assuming that the guy in side of me is the one and only Lucas Montenayor.
"A-anong ginagawa mo dito?" Utal na tanong ko, nabigla pa rin sa presensya niya.
Hindi ko alam kung inaabangan niya ba ako o pauwi na rin siya at kukunin na niya ang kotse niya.
Siguro pauwi na siya. Ayoko nang mag-assume pa. Sa nakikita ko kanina kasama ang girlfriend niya'y tiyak na wala nang deal na magaganap. I can't see any problem between them though.
"Hinihintay ka, hindi pa ba halata?" He said cheerfully.
Napalingon ako sa paligid. Nakahinga kaagad ako ng malalim nang makitang walang tao ang nandito, bukod sa'min.
Dammit Lucas. Umalis ka! Ayoko ng gulo. Not any more please!
"Tsss, walang tao. Don't worry. Nasa gym pa lahat."
Napatingin ako sa suot niya ngayon. He still wearing his basketball attire. Naka jersey na light green at dark green naman na short and a basketball shoes. Klarong klaro ang matipuno niyang braso at sa tuwing gumagalaw siya'y nagrereveal ang dibdib niya. Damn it! Stop looking at it, Ari! May nagmamay-ari na niyan.
And, his sweats are still dripping in his neck. Napalunok kaagad ako ng sariling laway. He looks so scatter but he still smell good. Siguro dahil sa pabango niyang sinumang babae ay makukuha ang atensyon.
"I-iyong girlfriend mo?" Umiling ako at iniwas ang tingin pero ang totoo'y iniiwasan ko lang talaga siya. Nakakailang na kaharap siyang ganito.
"Nasa gym pa," Ngiting wika nito. "Why?" he continued.
Walang hiya nga talaga itong lokong 'to. Magagawa daw ba niyang iwan ang girlfriend niya doon? Kawawa naman si Janice. Kahit hindi ko pa siya kilala pero alam kong mabait 'yon. Sa pakikitungo pa nga lang nito kay Lucas kanina.
"Lucas, look. Sa nakikita ko sa inyo ng girlfriend mo kanina, sorry pero hindi ko magagawa ang deal na hinihingi mo. Mukha naman siyang mabait, eh." I tried to not look at his eyes pero siya na mismo ang humanap at harangin ang paningin ko.
Ngumiti lamang siya. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa pinagsasasabi ko.
"Okay. Hindi mo man lang ako babatiin ng 'Congratulation' o 'Ang galing mo'?" Ngiting sambit nito.
Napapikit na lamang ako. Alam niya talaga kung paano babaguhin ang topic, eh.
Well, that's how playboy did, Ari. Dapat alam mo iyon.
Playboy is always a Playboy. They only know how to play at everything. Including feelings. Hmm?
"Alright! Congrats. Ang galing mo!" Umiling ako "Okay na? " Hilaw akong ngumiti.
Biglang nawala ang emosyon sa kanyang mukha. Nanatili siyang nakatitig sa'kin habang seryoso ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit. Akmang iiling na sana ako nang pigilan niya ang mukha ko gamit ang hinlalaki niya.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang mapatingin na lamang sa kanyang mga mata. Ngayon ay pansin kong mas namumula ang labi niya. Namumuo pa rin ang pawis sa kanyang noo pero hindi na tulad kanina. I can smell his breath.
"That's for you," Bulong nito.
Iilang pulgada na lamang ang agwat naming dalawa. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong bagay sa isip ko ang namumuo habang tinitigan ito.
Nang maaninag ang taong papalapit sa'min ay kaagad ko siyang naitulak papalayo. Dammit! Nahuli ata kami. Mas nagulat ako nang makita kung sino ito.
Lagot.
Nang mapansin ni Lucas ang pagkakataranta ko ay kaagad rin siyang tumayo at hinarap si Janice na parang wala lang.
"Nandito ka na pala?" Taas kilay nitong sambit sa kay Lucas. habang sa'kin nakatuon ang atensyon.
Hindi ko alam kung nakita niya ba kaming malapit sa isa't-isa pero pakiramdam ko ay oo. Damn you Lucas. Lagot ako nito sa girlfriend mo!
"Ah yes. Hinintay lang kita," Nakatuon pa rin ang atensyon ng girlfriend niya sa'kin kaya kaagad humarap si Lucas sa'kin. "By the way, si Ari nga pala," itinuro niya ako.
Napatingin ako sa mukha ni Janice. Ngayon ko lang nakita nang malapitan ang kanyang mukha. She's totally beautiful at wala akong masabi. Halos kasing tangkad lang kami pero may porma siya kaysa sa akin lalo na sa pananamit.
I'm too far from this girl.
"My friend." Pagpapatuloy pa ni Lucas.
Ngumiti na lang si Janice sa'kin pero alam kung may mali sa ngiti na iyon. Hawak ang kamay ni Lucas ay sabay silang nagtungo sa kotse nito.
Pinanood ko kung paano pinapapasok ni Lucas ang girlfriend niya sa front seat. He looks so gentleman pero nananaig pa rin ang pagiging heartrob look niya dahil sa suot nitong pang basketball.
Bago paman siya pumasok sa driver's seat ay itinuon muna niya ang atensyon niya sa'kin. He give me a thumbs up at saka nagblink bago pumasok sa kotse.
Hindi ko man narinig mismo galing sa bibig niya pero alam ko na kaagad ang ibig niyang sabihin.
Got it. That was just a deal, Ari. Just a deal and that's it.