"Kanina ka pa? " si Andra habang kinukuha ang susi ng kotse niya sa bag. "Sorry, natagalan ako sa gym." pagpapatuloy pa nito.
Hindi naman matagal Andra. Sakto lang na mabwisit ako dito sa parking lot.
"Okay lang." tipid na sagot ko.
Marami sana akong itatanong kay Andra tungkol kay Lucas tulad ng; Ilang taon na ba sila ng girlfriend niya? Anong klaseng lalaki ba si Lucas? Maayos ba sila ng girlfriend niya? Pero ayaw kong magmukhang may interes sa kanya. Una sa lahat, deal lang lahat kaya dapat wala akong pakealam. Hindi dapat ako nakikialam sa buhay niya, sa buhay ni Lucas.
We're just dealing something. Labas na ako sa personal na impormasyon niya. Baka iisipin ng mokong na 'yon na may interes ako sa kanya kahit wala naman at kailanman ay hindi ako magkakainteres sa lalaking iyon. Never. Ayaw kong maging miserable ang buhay ko at nakikita ko iyon kay Lucas. I can imagine already how he will make my life miserable. Dapat nga ay iniiwasan ko na siya ngayon pa lang para maputol na ang ugnayan namin habang maaga pa.
Better to be alone forever than dating that man!
Kinabukasan, medyo busy ako sa pag-aaral. There are topics that we need to catch up dahil sa activity kahapon kaya medyo mabilis ang discussion ng professor namin. He even give us extra topics na pag-aaralan namin sa bahay para bukas.
As usual. Ito talaga ang inaasahan ko especially after a certain event. Naabala ang klase kahapon kaya tambak ang gawain ngayon.
Sa nakikita ko sa mga estudyante rito sa CNU ay halatang sanay nanaman sila sa nakagawiang ito. They're known as a fighting students. CNU a a bit strict in terms of academic; sa pagkakaalam ko lang.
Alas dies nang pumunta kami ni Andra sa canteen. Tiningnan ko pa ang building na kung saan una kong nakita si Lucas pero wala siya doon. Hindi ko siya nakikita ngayong araw, nasaan kaya 'yon?
Maybe making out with some girls or something more terrible.
Sa isang sulyap pa lang ay kita ko na ang napakaraming tao sa canteen. Well, hindi na ako nabigla. It always goes like this lalo na tuwing break at lunch time.
Kaagad kaming pumila pagkarating namin sa loob ng canteen. Bringing my food tray, pinili namin ni Andra na pumwesto sa walang taong table. Hindi rin sanay itong pinsan ko na kumain kasama ang ibang estudyante sa iisang table.
Sa kalagitnaan ng pagsubo ay nakuha ang atensyon namin ni Andra sa cellphone niyang tumunog. Napataas kilay na lamang ako nang pinatay niya ito. She then rolled her eyes at saka hilaw na ngumiti sa'kin.
I just give her w raising eyebrows. Sa ginawa kong iyon ay halata namang nakuha niya kaagad ang ibig kong dahihin. She's too irritated after seeing that notification. Something's wrong with that, I know.
"Mga lalaking nagpapaagaw pansin. Tsss," Ramdam ko ang irita sa mukha niya. She just ignored that notification. Pinatay niya ang phone niya saka muling itinuon ang atensyon sa mesa kung nasaan ang mga pagkain.
Hindi nagsasabi si Andra pagdating sa love life niya kaya wala akong alam. Tanging ang huling impormasyon ko lang ay nagbreak sila ng boyfriend niya month ago at mula noon, wala na akong alam.
Naninibago lang ako. Noong nasa Manila pa ako'y panay ang kwento niya sa lalaking kinababaliwan niya. She even describe how this made made her happy and contented pero ewan ko.
Bigla na lang tumahimik ang love life ni Andra. I didn't bother to ask her baka sitahin niya ako. Sa nakikita ko sa kanya'y iniiwasan niya ang topic na 'yon.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa naagaw ang pansin ko sa mga lalaking di lalayo sa apat na nakatayo sa likuran ni Andra. Inangat ko ang tingin ko at laking gulat nang makita kung sino-sino ang mga ito.
"Pwede ba kaming kumain dito?" si Lucas dala ang food tray niya at isang boteng soft drinks.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama niya. I don't know their names pero sa pagkakaalam ko, they call them as Montemayors.
Lumipat kaagad ang tingin ko kay Andra. Malamig ang eskspresyon niya kaya hindi na rin ako nagsalita.
Without our permission, umupo si Lucas sa tabi ko. Iyong isa nama'y sa tabi ni Andra at ang dalawa'y sa magkabilang dulo.
I don't know kung kilala ba ni Andra ang isa sa mga Montemayor na umupo sa tabi niya pero ang tanging nakikita ko lang sa mukha niya ay ang irita na alam kong may mali at kakaiba sa kanila.
They're something in trouble. Hindi ko alam pero may kung anong namamagitan sa kanila. The one of the Montemayors.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. I feel so uncomfortable lalo na't katabi ko si Lucas. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid at laking gulat ko nang mapansing sa amin ang tingin ng mga babae sa canteen.
Dammit! Sabi ko na nga ba, eh! Isa nanaman itong gulo for sure.
"Kumusta?" dinig kong tanong ni Lucas sa'kin. Ramdam ko na naman ang mapanuyong titig niya sa'kin.
An eysight that makes me feel uncomfortable and in dangered.
Hindi ko na lang siya binatuhan ng tingin. Sumimsim ako ng tubig sa baso. "Makikain ka lang hindi ba? Hindi mo sinabing makikipag-usap ka," lumipat ang tingin ko kay Andra nang tadyakan niya ang paa ko. Nasita kaagad ako doon. Masyadong malakas ang pagkakatadyak niya dahilan upang magulat ako nang husto.
"Tara na Ari, I lost my apetite here," iritadang wika niya. Hinawakan niya ang kamay ko't hinila palabas doon sa canteen.
Mabuti naman at nakalabas na rin ako doon. I didn't lost my appetite yet, I feel so uncomfortable.
Hindi naman sa ayaw kong makasama si Lucas pero hindi ko alam kung bakit hindi ako komportable kapag kasama ko siya. It feels like all my gestures are being judged. Nahihiya akong gumalaw o magsalita man lang lalo na't maraming mga mata ang nakatuon sa'min doon.
"Andra, magkakilala kayo?"
Isa sa hinahangaang babae dito sa campus si Andra kaya hindi imposebleng malapit siya sa isa sa mga Montemayor pero tanda ko pa ang sinabi niya sa'kin noong first day of school, "Hindi dapat pinagkakatiwalaan ang mga Montemayor" . Kaya imposibleng may relasyon siya sa isa sa mga ito.
"Inaano ka ni Lucas doon? Pinopormahan ka ba niya?" masuyong tanong pa nito. Patay.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, eh. Magkakilala ba kayo noong katabi mo kanina?" ganyan lang Ari. Huwag mong hayaang mapunta ang usapan sa'yo.
Umiling na lamang si Andra. Alam kong may tinatago siya sa'kin. May something sa kanila at nababasa ko iyon sa utak niya at sadyang ayaw lang talaga niyang malaman ko 'yon.
"Andra," napalingon ako sa likuran nang marinig ang baritonong boses na iyon.
Maglalakad na sana palayo si Andra pero pinigilan ko ito. Gusto kong malaman kung anong meron kay Andra, ng pinsan ko at sa isa sa mga Montemayor gayong siya na mismo ang nagsabi sa akin na huwag magtiwala sa mga ito.
Kasama niya si Lucas. Seryoso itong nakatingin sa'min. Sa'kin si Lucas at kay Andra naman ang pinsan niyang Montemayor. Nakikita ko sa mga mata ni Andra ang pagkakataranta pero tinatago niya iyon. He chooses to have an irritated mood. Ewan ko kung bakit.
Anong nangyayari? Hindi ko alam na may relasyon pala ang pinsan ko sa isa sa mga Montemayor.
I didn't know the whole reason why Andra got so mad with this Montemayor. One thing I know; there's something between them and they need to fix it.
Hinawakan ni Lucas ang kamay ko at hinila ako papalayo sa dalawa. Habang hinihila ako palayo kina Andra ay sininyasan pa niya ang pinsan niya na hindi ko naman alam ang ibig sabihin.
I tried to stop him pero masyadong malakas ang pagkakahila niya sa'kin dahilan upang maipaubaya na lamang ang sarili sa lalaking ito.
Hindi ko na namalayang nawala ko na pala sa paningin si Andra. Nandito na kami ngayon sa isang harden na kung hindi ako nagkakamali ay sa backyard ng campus. Tanging huni ng ibon ang naririnig namin at ang preskong bugso ng hangin. I didn't feel any other person's presence but the one and only Lucas Montemayor.
"Lucas, wait," pinigilan ko siya sa paglalakad and thanks god, nagpaawat naman ito. "Ano ba talaga ang nangyayari? May relasyon ba ang dalawang iyon? " lito kong tanong.
I want to know the truth to stop this curiosity.
Natawa si Lucas sa sinasabi ko kaya napataas kilay kaagad ako. Anong nakakatawa sa sinasabi ko?
"Saang planeta ka ba galing at parang hindi mo alam ang nangyayari kina Enzo at Andra?" tawang wika niya.
"Enzo?" taas kilay kong tanong, ulit.
"Akala ko ba pinsan mo si Andra, Ari? As in? Really? Hindi mo alam? "
Sa isang linggong pananatili dito sa unibersidad, wala akong panahon na kilalanin ang kasamahan niya. Ni hindi ko kilala ang mga pinsan niyang nakisabay pa sa'min kanina sa canteen. Ang alam ko lang ay kilala at hinahangaan sila ng lahat.
At higit sa lahat, bakit ko naman sila kilalanin. Tutulong ba sila sa pag-aaral ko. Can they make my course exam more easier? Hindi hindi ba kaya I don't need to know them. Sapat na ang malamang sikat sila dito sa campus at doon na lang 'yon.
I don't care about them.
"Alright, parang hindi mo nga alam," hinawakan niya ang kamay ko't pinaupo sa isang malaking bato.
Hindi ko na siya tiningnan pa sa halip ay naghihintay na lang ako sa susunod niyang sasabihin.
We stayed silent in that stone before he make his statement. "Naghiwalay ang dalawang 'yon last month. Nakita kasi ni Andra na may kasamang ibang babae itong si Enzo kaya heto sila ngayon, MU parin. Iyan lang ang masasabi ko sa ngayon. Just ask her the whole story."
Kaya pala pinagbabawalan niya akong kitain si Lucas. Kaya pala sinasabi niya palagi sa'kin at pinapalabas na manloloko ang mga Montemayor dahil sinaktan naman pala siya sa isa sa mga ito.
Hmmm? Is that really a Montemayor? Manloloko at mahilig manakit ng mga babae? Is that what Lucas is? Pare-pareho lang ba talaga sila? Well, they're cousins at iisa ang lukso ng dugong dumadaloy sa mga ugat nila kaya walang dudang ganoon nga talaga sila.
I wonder why they became heartrob in this campus though. Hindi ko alam kung anong nakikita ng mga babae sa kanila. Taliwas sa gwapo at talentado, they're playboy and there's nothing to be fond of!
"Anyway, sa mga oras na ito, alam kong naaayos na ni Enzo ang lahat. Ang importante ay nagkausap ulit tayo," ngiting wika nito dahilan upang uminit ang pisnge ko.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam pa rin ako ng pagkabalisa gayong wala naman kami sa maraming tao. This backyard is empty and there's nothing here except the two of us. Dapat komportable ako pero hindi. I became annoyed and uncomfortable with this man. Wherever the place is.
"Teka, baka kung anong gagawin ng Enzo na 'yon sa pinsan ko, kailangan ko siyang..." napatigil ako sa pagsasalita nang takpan niya ang labi ko gamit ang hinalalaki niya.
Now, I am accidentally kiss his thumbs. Gadammit!
"Shhhh, hayaan mo na sila. Let the lovers solve their problems. Hmmm? Let's just seize this moment together, please," bulong pa niya sa'kin. Ngayon ay nakikita ko na naman ang mapanuyo niyang tingin. I can smell his breathe while he slowly move towards me. Inayos niya ang mga takas kong buhok.
I tried to move back pero hindu ganoon kalapad ang bato ng inuupuan namin. One more move and I will completely fall from this big stone.
"A-anong ibig mong sabihin?" pinilit kong umiling pero masyadong malakas ang kamay niya upang kontrolin ako.
Hindi ko maiwasang matingnan siya sa mata. Mas tumingkad pa ang kulay ng kanyang mga mata lalo na't nakatuon lang ang atensyon nito sa'kin. Mas umigting ang panga niya lalo na pag gumalaw siya. His eyebrows are thick and it caught my attention everytime na nagkakaharap kami.
"Nandito lang pala kayo," napalingon kaagad kami sa likuran nang marinig ang boses na iyon.
I saw the rest four of the Montemayors. Seryoso itong nakatingin sa'min. Umusad ako upang malayo kay Lucas, ninamnam ang hiya at ilang.
Okay, they didn't saw us closed each other. Muntik na 'yon.
"Bakit ba bigla na lang kayong sumusulpot?" inis na wika ni Lucas na halatant hindi gusto ang pagdating ng iba pa niyang mga pinsan.
I should thank them for saving me from this pervert and playboy man.
"Hinahanap lang kasi namin si Enzo, pero seems like, hindi namin siya matatagpuan dito." wika pa ng nakasuot na cap.
Ngayon ko lang ata nakita ng malapitan ang lahat ng Montemayors kaya ngayon ko lang din nasusuyo ang mga mukha nila.
Ilang sigundo pa at umalis rin ang apat na Montemayor. Muli akong tiningnan ni Lucas at sa puntong ito, alam kong nararamdaman na rin niya ang ilang.
"Hmmm, oo nga pala, hindi ko pa napakilala ang mga 'yon sa'yo. Iyong kulay blue ang suot na shirt ay si Mark, ang naka light brown naman ay si Kent, si James naman ang nakakulay gray at si Andrew ang nakakulay itim. Pinsan ko silang lahat." wika pa nito sa'kin. Nanatili akong walang kibo habang pinagmasdan ang mga pinsan niyang papalayo sa paningin ko.
Walang duda. Pinsan nga sila. Halos lahat sila ay may kaparehong features sa katawan. They look so classy and sporty. Lahat sila ay may matipunong katawan. I guess these features are what do other girls seen that makes them fond with these guys.
"Kilala ko na ang mga 'yan. Hindi nga lang sa pangalan but good to know their names."
Habang umiikot ang segundo ay hindi ko maiwasang mailang. Palagi naman talagang ganito kapag kaharap ko siya. Inaasa ko lang lahat sa kanya pero sa nakikita ko ngayon, parang naubusan na rin siya ng sasabihin. Palagi kong iniisip ang pag-iwas sa kanya sa tuwing magkasama kami, hindi ko alam kung bakit.
Maybe I am not just used to talk with a man.
Noong bata pa ako'y palagi akong umiwas na makipag-usap. Lalo na sa mga lalaking kaedad ko noon. I played alone at kapag nandiyan si Andra ay siya lang ang kalaro ko.
That's why we're that a good cousin and also my good friend.
"Ilang taon na ba kayo ng girlfriend mo?" I am so curious about his girlfriend kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Parte na rin ako sa buhay nila gayung ginagamit niya ako upang hiwalayan kaya dapat alam ko ang rason.
I didn't bother to look at him sa halip ay hinintay ko na lamang ang magiging sagot niya.
"Bakit mo natanong?" seryoso ang tingin niya sa'kin ngayon na animo'y binabasa niya ang nasa isip ko. Sana hindi ko na lang siya tinanong tungkol doon. Mas lalo lang tuloy akong naiilang.
He even got the idea that I am interested about his personal informations and I really really hate it.
"Nevermind," umiling ako. Hindi ko kayang makita siyang nakatitig sa'kin nang malapitan.
"Mag-iisang taon na kami," wika nito. Sabing huwag na lang eh!
Hindi na lang ako nagsalita pa. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay kung paano ako makaalis dito. Ayaw kong makasama siya nang kami lang.
I don't want to be imprisoned with this man. Pakiramdam ko'y kinukulong ako sa mga bisig ng lalaking ito. Maybe because he has that possessive aura.
"Bakit parang naging interesado ka ata sa love life ko? I mean, ex ko?"
Nagulat ako sa tanong niya. I tried thinking any other topics just to avoid his question pero wala akong maisip.
"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal ako. It feels like he already that gutts na siyang ayaw kong maramdaman niya.
"Naghiwalay na kami kagabi," seryoso niyang sambit. Hindi ko alam kung bakit parang hindi man lang siya nasaktan sa nangyari na kung bakit parang wala lang sa kanya 'yon.
Well, kung ang bola nga ay nagawa niyang laruin, girlfriend pa kaya niya? Dapat ko ba talagang pagkatiwalaan ang lalaking ito? Sa pananalita at asal palang ay halatang playboy na.
Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon pero hindi ko pinahalata. I tried to act as if I don't have any interest to talk more deeper about it. Kahit ang totoo'y gusto ko pa siyang tanungin kung bakit at ano ang dahilan.
"So? We're done?" utas ko. I don't know if that's a question or a statement.
Hindi ito nagsalita sa halip ay pinaharap niya ako sa kanya at saka tiningnan sa mata.
"Ari, kasi... "
Seryoso ang boses niya. Kitang kita ko ang paglunok niya ng kanyang sariling laway. The way he grip, kung paano siya tumingin ay halatang may ibig siyang sabihin.
"Ari!" napatingin ako sa likuran nang marinig ang boses ni Andra. I saw her with Enzo. Sa kilos pa lang nito ay alam kong hindi pa rin sila nagkakabutihan. "Let's go!" hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at saka hinila paalis at papalayo kay Lucas.
I didn't bother to look at where Lucas is. Hinayaan ko na lang na hilahin ako ng pinsan ko papalayo sa presensya ng magpinsang 'yon.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin Andra?" tanong ko pa sa gitna ng paglalakad namin. Hinintay kong sagutin niya ang tanong ko. She just keep on walking while holding my hand so tight.
"Bakit hindi mo rin sinabing may relasyon kayo ni Lucas? Hindi mo ba alam na may girlfriend na iyong mokong na 'yon, Ari?" ramdam ko ang inis niya. Huminto ito at saka hinarap ako.
Ngayon ay ramdam ko ang inis sa mukha at boses ng pinsan ko. From her expression, it seems like she don't want to see me again together with that man.
"Alam kong may girlfriend siya Andra and for pete's sake! Wala kaming relasyon!" hindi ko maiwasang protektahan ang sarili ko. Wala kaming relasyon ni Lucas at wala kaming magiging relasyon.
Iyon ang totoo.
"So, ano itong nakikita ko? Pinopormahan ka niya? Andra, hindi mo pa kilala si Lucas. Halos lahat ng babae dito sa Campus basta maganda ay pinagkakainterisan niya at ayaw kong mabilang ka sa mga babaeng 'yon. You don't know the real Lucas. He's just using his physical appearance and popularity just to get girl's feelings and then, he just leave you alone after getting his wants," Andra said. Sa sinasabi niyang iyon ay parang pinakilala na rin niya sa'kin si Lucas kung gaano ito kasakim at kaloko.
"Andra naman, wala nga and let me correct you lang ha, ang sabi mo manloloko ang mga Montemayor pero bakit may relasyon ka sa isa sa kanila?" I asked her and trying to reverse the topic
It's your time to explain, Andra.
Hindi nagsalita si Andra. Hindi ko man alam ang istorya nila pero alam kong nilalamon lang siya ng galit kaya niya nagawang siraan ang mga Montemayor. Hindi naman ata lahat sila ay playboy. Oo, maaaring ganoon nga si Lucas at halata naman sa porma niya pero hindi naman ata lahat sila.
"Iyon naman ang totoo eh, at paano mo nalamang naging boyfriend ko si Enzo?" gulat nitong tanong sa'kin. Ngayon wala ka nang kawalan.
Ang kaninang galit na expresyon ni Andra ngayon ay napalitan na ng takot at hiya.
"Si Enzo. Siya pala ang sinasabi mong Knight and Shining Armor mo nitong nagdaang buwan. Wala naman akong nakikitang nasama kay Enzo Andra. Mabuti naman ata siya kaya kung anuman ang galit na 'yan, o kung anuman ang kasalanan niya sa'yo, I know he didn't mean it."