Kabanata 7

3121 Words
Alas singko na nang makauwi kami ni Andra galing school. Pagkarating ko pa lang sa bahay ay si mommy na kaagad ang sumalubong sa'kin. As usual. "Naihanda ko na ang meryenda mo sa kusina," she said in a usual tone. Sa narinig ko pa lang galing kay mommy ay kumulog na kaagad ang sikmura ko. I always think cockies or cakes kapag si mommy ang naghanda ng meryenda. Masarap naman kaya naging paborito ko na rin pagkagaling school. Ito na rin ang naging bonding time namin ni mommy minsan. Usually, after making my school works na ako naghahapunan kaya heto ako ngayon, gumagawa ng assignments at nagreresearch sa ibinigay na topic ng professor namin kanina. All these past years, sa study talaga ako nakapokus. I don't make lots of childhood friends sa Manila kaya madali lang akong nakapag-adjust dito sa Cebu. Study is my priority kaya walang angal sa'kin si mommy. Alam kong hindi ito ang kinagawian ang mga bata ngayon. Most of teenagers mowadays are now in club, parties or making out with friends as their vacant time pero iba ako. Ni hindi pa ako nakapasok sa club o anumang party at kailanman ay hindi ko 'yon pinangarap. I hate places. Kaya nga labis na lang ang takot at gulat ko nang malaman ang issue ko kay Lucas. One thing I hated too much is to become center of every person's eyesight. Sa gitna ng pag-aaral, nagulat na lamang ako nang tumunog ang cellphone ko. Wala namang ibang nagtetext sa'kin kung hindi ang pinsan kong si Andra kaya kinuha ko na. Baka kasi may importanteng kailangan. From: Unknown May ipapagawa ako sa'yo. It's from unknown number pero hindi na ako nagulat pa. Wala namang ibang taong magtetext sa'kin niyan kung hindi si Lucas. It's still unknown kasi noong huli siyang nagtext ay nakalimutan kong maisave ang numero niya. Well, I have no plan to save his numbers l though. To: Unknown I thought you're done with your girlfriend? Malinaw naman sa usapan namin na magpapanggap lang kami as in a relationship para hiwalayan ang girlfriend niya pero ano na naman kaya tong pakulo niya? From: Unknown It's not all about my ex, it is all about your cousin. We need your help. At anong tulong naman ang kailangan niya? Kung hindi ako nagkakamali ay tungkol ito kina Enzo at Andra. Maparaan talaga itong magpinsang na 'to, eh. To:Unknown Alright, basta hindi magagalit sa'kin si Andra. I don't think na playboy si Enzo. Sa nakikita kong effort niya para kay Andra ay alam kong iba siya kumpara nitong kay Lucas. Nakikita ko naman 'yon sa mukha niya. Naalala ko tuloy kung paano magkwento si Andra sa'kin sa telepono noong nagdaang buwan. Hindi man niya sinabi sa'kin ang pangalan pero alam kong patay na patay siya nito dahil sa mga sinasabi niyang kabaliwan. But now, I feel so sad for my cousin, hindi ko inakalang makaramdam siya ng galit sa taong kinababaliwan niya noon, kay Enzo. From: Unknown Magbihis ka na, susunduin na kita sa inyo. Nagulat ako sa mensahe niyang iyon. I thought tutulungan ko lang sila? Baliw ba siya? He's asking me some help ngunit ngayon ay sasabihin niyang kasama ako sa plano nila? No way! To: Unknown Huwag mo nga akong lokohin Lucas, akala ko ba tutulungan ko lang kayo? Text mo na lang kung ano ang gagawin ko, hindi ako puwede ngayon. Marami pa akong dapat na tapusin at kung gala man ang tinutukoy nila, hindi talaga ako pwede. From:Unknown I am already riding towards in your house. Bilisan mo. Wala akong ibang magawa kung hindi ang mapairap na lang. I don't know this plan either. Hindi ko alam kung magtitiwala ba ako sa lalaking 'to gayong hindi ko naman alam ni katiting na detalye ng plano nilang ito pero sa sinabi niyang iyon, wala na ata akong ibang choice kung hindi ang sumama. He's now riding towards my house. Wala talaga siyang hiya. Hindi pa nga ako pumapayag ay nagdesisyon na siyang mag-isa. Tiniklop ko na lang notebook at laptop ko. I quickly go to downstairs upang hanapin si mommy at sa ganoon ay makapagpaalam na rin ako. I hope mom will let me go. Minsan kasi ay hindi ako pinapayagang lumabas lalo na't hindi tungkol sa pag-aaral. But she has entrusted person. Mabilis ko namang napapayag si Mommy. Kapag sinabing si Andra ang kasama ko ay hindi ito aayaw dahil alam naman niyang hindi ako ipapahamak ng pinsan ko. Naniniwala din naman si Mommy sa'kin kaya alam niyang hindi ko siya bibiguin. Hindi pa man nakarating si Lucas ay nasa labas na ako ng gate namin, naghihintay. Hindi na kailangang makita ni Mommy na may kasama akong lalaki at baka hindi pa iyon papayag. Ilang minuto pa bago dumating ang sasakyan ni Lucas sa harap ko. He just open the mirror at ngiti kaagad ang bumungad sa'kin. Isang ngiti na nagpapainit ng sikmura ko. Pakiramdam ko kasi ay napapahamak ako palagi sa ngiti niyang ito. It feels like this smile is the most dangerous thing I can see. "I didn't expect you're that quick," he said cheerfully. Umirap na lamang ako. "Kung para sa pinsan ko ay Oo," alam ko namang ikasasaya ni Andra ang pagkamabutihan nila ni Enzo. Sadyang nilalamon lang talaga siya ng pride at nakikita ko iyon. Sometimes, kapag pride na ang mismong pinag-uusapan ay tinatalo nito lahat. Even love. Hanggang may pride ka ay mananaig pa rin ito sa lahat. Ilang segundo pa bago siya lumabas sa kanyang kotse. Naka jeans lang ito at v-neck t-shirt and a casual brown shoes. Hindi ko maipagkakaila na mukha nga siyang playboy sa aura palang niya ngayon. Ang matuwid niyang buhok ay nakaayon sa istilo, his hard-shaped chest became clear as he move gently. Pansin ko rin ang makapal niyang kilay sa tuwing sinusulyapan ko siya. Anong meron sa taong ito at bakit ko tinitigan ang bawat detalye ng kanyang pisikal na postura? Nang pagbuksan niya ako sa front seat ay naamoy ko kaagad ang panlalaki niyang pabango. It poisons me pero damn it! Nakakaadik ang bango niya! Pinasadahan ko ng tingin ang sasakyan niya at walang duda, it looks so classy and expensive. "Ano ba ang plano ninyo at sinama pa talaga ako?" Bungad ko pa nang makaupo sa front seat. Hindi kaagad pinaandar ni Lucas ang kotse sa halip ay humarap ito sa'kin. "Hindi namin mapapayag si Andra kung walang alas. We need you as our asset. Kaya dapat galingan mo para mapapayag siyang lumabas ngayong gabi. We already have the venue for their date at ang tanging magagawa mo lang ay ang mapapayag siyang lumabas. Don't tell her about this at baka hindi iyon papayag, masama pa naman ang loob n'on kay Enzo." pagpapaliwanag nito na agad ko namang nakuha. I just saw this scene in the movie. Iyong yayaing makipagdate ang babae. I don't expect na mangyayari din pala ang ganoong effort ng lalaki sa mundong ito. Well, that is Enzo. Pakiramdam ko'y ideal boy si Enzo ng bawat kababaihan. He's to far from his cousin, Lucas. Malaki ang pinagkaiba nila kaya hindi ko alam kung anong klaseng semelya ang dumadaloy sa ugat nitong si Lucas. Kung matino lang sana ang mokong na ito. Hmmm? "Alright." tipid kong sagot. "And lastly, I just want to say that, you look so beautiful tonight," wika pa ni Lucas at saka pinaharurot ang kotse. Lumabas na naman ang pinakaayaw ko kapag kasama ko ang lalaking 'to. Lalo na sa sinabi niyang iyon. He always make me tremble and nervous. Pakiramdam ko'y limitado ang bawat galaw ko kapag kasama ko ang lalaking ito and I really hate it. I am not comfortable with this man. Siguro ay alam ko ang bawat kalokohang ginagawa niya. Siguro ay senyales iyon na layuan ko na siya dapat. Because he's dangerous. Well, for my cousin, gagawin ko. Relax lang Ari, akala mo ikaw itong idedate, hindi. Si Andra ang idedate Ari at hindi ikaw kaya huwag kang kabahan. Seven o'clock when we arrived in front of Andra's house. I don't know if I can still convince her within this hour. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kong dahilan upang maisama siya gayong gabi na. "Good luck, galingan mo." ngiting sambit ni Lucas sa'kin. Nagmamadali akong lumabas sa kotse ni Lucas. I also want to escape from his vision. Pakiramdam ko ay parang natutunaw na ako, eh. "Good evening tita, si Andra po? " tanong ko pa nang bumungad sa'kin ang Mommy ni Andra sa pinto. She just look at me from head to toe. "Parang may lakad ata kayo, wait lang hija, tatawagin ko lang sa kwarto niya. Sa sala ka muna habang naghihintay. " "Sige po." sinulyapan ko muna ang kotse ni Lucas bago ako tumuloy sa loob. Ilang minuto rin akong naghintay kay Andra sa sala. I just kept on roaming the whole living room. Noong bata pa kasi ako ay dito kaagad kami dumiretso nina Mommy kapag pumunta kami ng Cebu. We didn't bought a house here at that time. I also remember Andra when we're still a child. We're a good cousin and a good childhood too. Wala akong ibang kakampi noon kung hindi siya lang. Everytime I got in trouble, palagi siyang nandiyan at tinatanggol ako. Well, shes brave and confident. Kompara sa'kin na kulang na lang ay walay mukhang maiharap sa mga tao. I'm that shameful. Ewan ko kung bakit. "O, bakit parang may lakad ka ata? Why are you here?" kaagad nakuha ang atensyon ko kay Andra. Umupo ito sa tabi ko. "Hmmm, ka-kasi, magpapasama kasi akong mamili ng kakailanganin para sa project ko," palusot ko pa. Alam ko din na alam ni Andra na wala pa akong masyadong alam sa mga pasikot-sikot na daan dito sa siguyudad kaya alam kong sasamahan niya talaga ako. She don't want me to roam this city alone gayong alam niyang kakalipat lang namin dito. I know she will be forced to be with me especially that she don't want me in danger. Una sa lahat, I just need to convince her to be with me. Mabibista rin lahat ng ito pagdating sa labas gayong kotse ni Lucas ang naghihintay. Ang importante lang ay maisakay siya sa kotse at mapapayag na sumama. Bahala na si Lucas pagkatapos nito. "Swerte ka hindi ko hahayang maligaw ka sa mga Mall dito kaya papayag ako. Magbibihis lang ako," kaagad din itong tumayo at bumalik sa kuwarto. Madaling kausap. Nagtetext pa sa akin si Lucas nang kung anu-ano habang hinihintay si Andra sa sala. Nagmamadali pa itong isang 'to. Siya pa nga ang may kailangan siya pa itong nagmamadali. Well, playboy don't have any patience though. Gusto nila nang madalian at hindi naghihintay. That's Lucas and he perfectly a playboy. Tsss! Wearing her short and a simple gray shirt, nagmamadali itong bumaba sa hagdanan. Pansin ko ang susi na dala niya na kung hindi ako nagkakamali ay sa kotse niya ito kaya kaagad rin akong nasita. "Wait. You don't need to bring your car. Nakakuha na ako ng taxi, eventually, nasa labas na siya," wika ko pa kasabay ang pagturo ko sa labas. Just to convince her. Kaagad ko namang napaniwala si Andra kaya ibinalik na lamang niya ang susi sa kanyang pitaka at saka sabay na kaming lumabas ng bahay. Alam kong nakakunot na ang noo niya habang pinagpasdan ang pamilyar na kotse na nakaparada sa harap ng gate. Ilang beses rin siyang tumingin sa'kin pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at sinimulang higpitan ang pagkakahawak ng kanyang kamay. Baka kasi umatras pa at makatakas. I know my cousin. Kailanman ay hindi niya gustong maloko at niloloko. Sorry cousin but I think para sa iyo din ito. You'll be happy after this, for sure. "Teka, Ari, ano..." napatigil siya nang takpan ko ang bibig niya. "Shhh, sumama ka na lang, okay?" Nakabukas na rin ang passenger's seat kaya agad na kaming pumasok doon. Parang isang malaking bagyo ang lumitaw sa mukha ni Andra nang makita si Lucas sa driver's seat. Mabilis tumakbo ang utak ni Andra kaya alam kong sa puntong ito, na-gets na niya kaagad ang nais naming mangyari. "Ano nanaman ba 'to Lucas? At dinamay niyo pa talaga ang pinsan ko sa kalokohan ninyo?" inis na wika ni Andra kayLucas. She cross her to arms. Inis na inis. Halos aatakihin na ako sa nginig habang nakaupo sa tabi ni Andra. Nagisismula na kasing umaalboroto ang boses niya. "Wala akong magawa Andra, eh. Sadyang baliw na baliw lang talaga si Enzo sa'yo," ngiting wika nito at saka pinaandar na ang kotse. Isa pa 'to, iniinis pa talaga lalo si Andra! Nakasimangot ang mukha ni Andra sa buong byahe. Ako naman ay pinilit na huwag pansinin siya at itinuon na lamang ang atensyon sa buong siyudad. Muli ko namang nasilayan ang makukulay na siyudad. Not like in Manila na mas makulay lalo na ang mga building but I found some fun in here. May mga taong tumatambay sa boardwalk and most of them are couples. Kita ko ang malawak na dagat nang dumaan kami sa Mactan Bridge at kumikinang ito dulot ng mga ilaw ng mga hotel at mall sa paligid. Cebu might be the happiest city during night. Hindi tulad sa Manila na hanggang sa gabi ay mga umuusad na sasakyan ang makikita mo sa kalsada. Masyadong ma-traffic doon sa Manila unlike here na matiwasay na pagdating ng dakong alas dyes ng gabi. Huminto kaagad ang kotse ni Lucas sa tapat ng isang club na siyang sa labas pa lang ay mailaw na at halatang maraming tao sa loob. It is my first time in clubbing kaya medyo kinakabahan ako. Sinulyapan ko si Lucas pero ayon sa mukha niya, parang sanay naman siya sa mga ganito. Of course. He's with this lifestyle. "Lucas naman, bakit dinamay niyo pa ang pinsan ko dito? She don't go clubs," reklamo pa ni Andra. Hinihintay ko lang ang magiging sagot ni Lucas. "Don't worry Andra. Ako na ang bahala sa pinsan mo," he then smirk at saka lumabas sa kotse. Damn it! Kinakabahan tuloy ako. Alam kong magiging abala si Andra ngayon kasama si Enzo at paano naman ako? Damn! Ayaw kong maiwan kay Lucas for Pete's sake! I can imagine already the possible moment with Lucas. Hindi ko alam kung paano ko pakitunguhan ang mokong na ito, expecially that we're alone each other. Pinagbuksan kaagad kami ni Lucas ng pinto. Sa loob kaagad ng bar ang tingin ko nang makalabas sa kotse. The disco lights seems so immersive when it reflects the mirror outside the bar. Hawak hawak ni Andra ang kamay ko nang pumasok kami sa loob ng bar. And yes, the loud sound is what surprising me. Nakakabingi. Hindi naman sa hindi pa ako nakapunta sa maiingay na lugar pero ni isang beses, hindi pa ako nakapagclubbing kaya hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam sa loob ng club. It is an elite club kaya hindi ka makakita ng nanenegarilyo sa loob. Most of the people who are here is from an elite family. May nakikita pa nga akong mga school mates kong lalaki pero malamang, hindi ako kilala. Nang makarating sa isang table ay doon nadatnan ko ang buong Montemayor. All of them are with Enzo. Pareho silang naka jeans lahat pero iba-iba ang istilo ng kanilang damit and as usual, it suits them. It is the first time to be with the six Montemayors kaya nabigyan ako ng pagkakataong ikumpara silang lahat at tama naman ang hinala ko, si Enzo nga ang nakikita kong mabait sa kanilang anim. Si Mark ay mukhang malikot. Panay ang titig niya sa mga babaeng dumadaan habang si Kent naman ay tahimik habang katabi ang babaeng panay sa pagyakap sa kanya. Nilipat ko ang tingin sa kay James na ngayon ay nakatuon lang ang atensyon sa cellphone niya. He looks so serious. Si Andrew naman ay kausap si Enzo and the guy beside him that is familiar with me but yet, I don't know his name. Hindi pa napakilala ni Lucas sa'kin. Sa tingin ko, si Lucas ang pinaka cool sa kanila pero sa pagkakaalam ko, siya ang pinaka babaero. They looks so older than us but still, so attractive na alam kong kaya nilang bihagin pati ang mga babaeng kaedad namin ni Andra. Si Enzo lang ang nakikita kong pinakabata sa kanila kaya nararapat lang na kay Andra ito. Since Lucas is already in Fourth Year College kaya alam kong malaki ang agwat namin. First year college pa ako for Pete's sake! Well, halata naman sa kilos at katawan ni Lucas, in my own perspective, he's at the age of 25 or pataas kaya hindi maipagkakailang matikas talaga ang pangangatawan niya. Nakuha ang atensyon ni Enzo at ang ibang Montemayor nang lumapit kami sa table kung saan sila nakaupo. May kung anong binulong si Lucas kay Enzo at saka ito tinapik sa balikat. Hmmm? Sana nga maging masaya si Andra ngayong gabi. I trust Enzo though. Hindi katulad ni Lucas ay alam kong mabait at seryoso si Enzo sa pinsan ko. He looks so loyal ang I hope this Perception won't change at the end. Sana hindi ako bibiguin ng akala ko. "Guys, si Ari nga pala, pinsan ni Andra." pagpapakilala pa sa'kin ni Lucas sa mga Montemayor taliwas sa ingay ng music. They all smiled. I just wave them bilang pagbati. Pansin kong lumalapit si Enzo kay Andra kaya dumistansya kaagad ako. They look like a couple. Pero nakakalungkot lang dahil kitang kita ko pa ang inis sa mukha ni Andra. I wonder what Enzo did that makes her mad. Pakiramdam ko'y malaki ang kasalanan ni Enzo gayong ramdam na ramdam ko ang galit si Andra dito. I hope they will be okay as soon as possible. Alam ko namang pride na naman ang umiiral dito sa pinsan ko. Ma-pride itong si Andra. Sa oras na matapakan ang pride niya ay wala ka nang magagawa kung hindi tanggapin ang galit niya. She's so straight forward. Walang nakakakontrol sa sarili niya kung hindi siya lang. I hope I also have that personality kung saan kayang ipagtanggol ang sarili sa iba. Nagulat na lamang ako nang lapitan ako ni Lucas at saka hinila papalapit sa kanya. Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko kaya naamoy ko ang pabango sa kanyang dibdib. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad pala siya sa'kin. His manly scent is poisoning me yet, it's so addicting. Ramdam ko ang magspang niyang kamay na bumabakot sa leeg ko. "Let's give them some time, Alright? Let's just make our own date, instead," bulong nito na siyang nagpapatindig ng mga balahibo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD