8. Rambur*t

1804 Words
Chapter Eight Hindi ko pa rin mahanap si Ruth. Kahit si Uncle Grey ay hindi ko pa rin makita. Pagod na pagod na akong maglakad at makipagsiksikan. I'm so tired na talaga. Umupo na muna ako sa gilid. Tagaktak na ang pawis ko. I'm so maganda pero amoy pawis na talaga. Napapatingin ang mga tao sa akin. I think dahil sa ganda ko. Pero wala man lang tumulong o nagtanong kung kailangan ko ba ang tulong nila. 1 hour na ako rito sa loob ng palengke. I'm so ngawit na. "Uncle Grey," mahinang tawag ko kahit wala naman ang lalaki. Kaunti na lang din ang tao. Ayaw ko nang lumakad kasi pagod na talaga ako. Nang may biglang humarang sa direction na tinitignan ko ay napatingin ako sa salarin. "Uncle Grey!" nagalak kong bulalas. Agad akong tumayo at napayakap ako rito. Pero ilang segundo lang iyon. Agad din ako nitong itinulak na para bang nandiri siya sa akin. "Lintik ka talagang babae ka. Ano ang bilin ko sa inyo ni Ruth kanina?" salubong na salubong ang kilay nito. Parang gusto na akong tirisin. "Why you look galit? It's not my fault. Ang laki ng market na ito... I tried naman na hanapin kayo ni Ruth. Pero failed. Hindi ko mahanap ang pangit at gurang kong Uncle. Hindi ko mahanap si Ruth." Mariing napapikit si Uncle Grey na para bang sinusubukan niyang kalmahin ang sarili niya. Inilabas niya ang phone niya at tinawagan si Ruth. "I found her. Bumalik ka na sa sasakyan. Hintayin mo kami roon." Hinawakan ni Uncle ang wrist ko saka hinila na ako. Marami pa ring naka-display na paninda at hindi pa nagsasara ang mga ito. "What's that, Uncle Grey?" itinuro ko ang kulay pulang pabilog na nakatabi sa prutas na lansones. Napansin yata nitong curious ako roon kaya huminto kami sa tapat no'n. "Rambutan iyan, Cleo. Gusto mo bang tikman?" dumampot ito ng isa at binuksan iyon. Inilapit niya sa akin kaya bahagya akong kumagat doon. Agad na kumalat sa bibig ko ang matamis na lasa at katas no'n. "Wow! Masarap ang ramburat, Uncle Grey." Nanlaki ang mata ng lalaki saka natapik ang noo. "It's rambutan, Cleo. Rambutan." Pero habang itinatama ako nito ay abala na ako sa pagdampot. Inabutan pa nga ako ng plastic ng lalaki. "Your ramburat is so matamis, ale," ani ko sa tindera na nanlaki ang mata. "Luh! Maalat ang ramburat ng asawa ko, neng. Baka iyong sa kasama mo matamis." Takang tinignan ko ang ginang. "Shut up! Rambutan ang ibig niyang sabihin," biglang nagsungit na ani ni Uncle sa babae. Agad namang nag-iwas ng tingin ang ale na biglang naging busy sa pagbugaw ng langaw. "How much ito, ale?" tanong ko. Punong-puno ang plastic ko. Kinuha naman nito at itinimbang. "135 lang ito," agad akong naglahad ng palad ko kay Uncle Grey. "Pahingi pera," ani ko. "Nasaan iyong binigay ko sa 'yo kanina? Ubos mo na agad iyon?" takang ani nito pero humugot din naman ng wallet at ito na ang nagbayad. Kunwari na lang hindi ko narinig dahil baka sermunan pa ako nito na naubos ko agad iyon. Tiyak din lagot ako kapag may maningil na rito lalo't ito ang magbabayad no'ng inutang ko. Binitbit nito ang isang plastic ng ramburat... rambutan. Habang sa isang kamay ay karay-karay ako nito. "What the heck is that? Why sila nagbebenta ng d***o rito?" may kalakasang bulalas ko habang nakatingin sa mga souvenir na binebenta. "Bibig mo! Ashtray iyan, Cleo. Itikom mo nga muna iyang bibig mo," asik nito sa akin. K. Nagulat lang naman ako. Nakalabas kami sa palengke. Nang nakarating na kami sa parking lot ay sumalubong agad si Ruth. "Señiorita, ano ka ba naman? Saan ka galing? Binalikan kita sa pinag-iwanan ko sa 'yo pero wala ka na---" "Anong sabi ko sa 'yo, Ruth? Sabi ko'y bantayan mo 'di ba? Paano kung mapahamak itong lintik na ito? Paano ko ipaliliwanag sa magulang nito na hindi ko nabantayan ng maayos ang anak nila?" "Heay! I'm not bata na 'no. I'm matanda na. Huwag mo ngang pagalitan si Ruth. It's your fault din naman kasi... dapat you make bantay na lang sa akin. Like my bodyguard." Masama akong tinitigan nito. "Shut up!" asik ng lalaki saka ako hinila. Binuksan ni Ruth ang pinto sa passenger seat. Nang lumulan ako roon ay panay ang irap ko kay Uncle Grey. "Sir Grey, uuwi na ba tayo?" "Hindi pa tapos ang meeting ko. Pero hindi ako makakapag-focus doon kung puro kayo kalokohan. Tsk." Malakas pa nitong isinara ang pinto ng sasakyan saka siya umikot. Si Ruth ay nakasakay na rin. Nang lumulan si Uncle Grey ay napatingin ako rito. Salubong ang kilay, kita sa mukha ang iritasyon. Sign of aging. Iritable. Nang umusad ang sasakyan ay pinagtuunan ko ng pansin ang ramburat. "Ruth, gusto mo bang tikman itong binili namin ni Uncle Grey na ramburat?" ang ayos kong nagtanong dito pero bigla na lang humagalpak ng tawa si Ruth. Salbahe. Si Uncle Grey naman ay tinignan ako, ang talim ng tingin. "Rambutan! Rambutan!" asik ni Uncle Grey. Nanulis ang nguso ko. Kulang na lang ay sabihin nitong ang bobo ko. "Ramburat daw," hagalpak ng tawa ni Ruth. "Buti hindi naging jumborat." "Isa ka pa, Ruth. Manahimik ka. Bobo na nga itong pamangkin ko... sasabay ka pa." Napasimangot ako. Napalo ko tuloy ang hita ni Uncle Grey. Salbahe. "Bad ka," inis na ani ko rito. Saka ko ibinalik ang atensyon sa prutas at sinimulan kong kainin iyon. Funny thing is... sa tuwing inaabutan ko si Uncle Grey ng ramburat... rambutan kasi iyon... binabalatan naman nito at ibinabalik sa akin. "Ang sarap nito... ito na ang new favorite ko." Napangising ani ko. Nang huminto ang sasakyan ay napatingin ako sa labas. Isang restaurant iyon. Nang bumaba si Uncle Grey ay hinintay kong pagbuksan niya ako. Prinsesa ang hijang ito. Hinintay ko talaga siya. Pero si Ruth na ang nagbukas no'n. Bitbit ko ang plastic ng rambutan nang bumaba ako. "Follow me," masungit na utos ni Uncle kaya naman sumunod ako rito. Pagdating sa loob ay may grupo ng mga kalalakihan na kumaway sa amin. "Akala namin ay hindi ka na babalik, Grey." "Upo," utos nito sa akin. Pinaghila ako nito ng upuan. Nang naupo ako ay saka ko tinignan ang mga kalalakihan na kasama namin sa table. "Uncle Dmitri!" tuwang ani ko nang nakilala ko ang isa. "Tsk. Maka-uncle ka naman, Cleo. Isa lang ang Uncle mo rito," inginuso nito si Uncle Grey. Business partner ito ng isa kong kuya. Pero naka-base sa America ang negosyo nilang dalawa. I know him. Ilang beses na itong nagpunta sa bahay. Pero pumupunta lang ito roon kapag nasa Pilipinas ang panganay kong kuya. "Bakit naman salubong ang kilay ng Uncle Grey na iyan?" tudyo ng isa. Tinignan ko si Uncle. Nang nahuli niya akong tumingin sa kanya ay inirapan niya ako. "Tapusin na natin itong meeting na ito." Pagkatapos sabihin iyon ni Uncle Grey ay sumenyas ito sa isang waiter. Lumapit naman agad. Nang abutan ito ng menu ay agad iyong ipinasa ni Uncle sa akin. Agad naman akong nagtingin ng pwede kong order-in. “Are you ready to order, ma’am?” I glanced down at the menu for one last time before closing it. Hindi ko na kailangang mag-isip pa dahil kanina ko pa alam kung ano ang gusto ko. “I’ll have the Salmon Wellington, please,” I said, handing the menu back to the waiter. “And for your drink, ma’am?” “Sparkling water.” Tumango ang waiter at isinulat ang order ko. Ako lang naman ang kinuhanan niya ng order. "Uncle Grey," kinalabit ko ito. "Paano si Ruth? Baka want niyang kumain---" "Ayon siya," napatingin ako sa itinuro nito. Nakita ko si Ruth na may sariling table at mukhang nag-o-order ng food. Napatango-tango naman ako. Nagpatuloy sila sa meeting na mukhang naudlot dahil sa pag-alis ni Uncle Grey para hanapin ako. Ako naman tamang hintay lang sa food ko. Ilang beses ko nang inabutan si Uncle ng ramburat... rambutan kasi iyon. Pinabubuksan ko sa kanya dahil hindi kaya ng nails ko. Binubuksan naman niya ng walang reklamo. Nang i-serve ang food ko ay tahimik akong kumain. Iyong discussion nila... boring. Tsk. Nang gumawi ang tingin ko kay Uncle Dmitri ay agad pumasok sa isip ko ang isang idea. Omg! Pwede akong sumabay sa kanya kung uuwi siya sa City. Tama. Ginanahan tuloy akong kumain. Nang natapos na ako ay tahimik lang ako. Nagpakabait talaga ako para hindi makahalata si Uncle Grey. Nang nag-shakehand na ang mga ito ay alam kong tapos na ang meeting nila. Nagpaalam din sila sa akin. Naunang lumabas si Uncle Dmitri kaya pasimpleng umalis ako sa upuan at dali-dali akong humabol dito. Nasa tapat na siya ng sasakyan niya Nang abutan ko siya. "Uncle Dmitri, can I make sakay with you? Uuwi ka na ba ng metro? Pwede ako sabay sa 'yo?" ngumisi ito. Biglang may umakbay sa akin na halos masakal na ako. Kahit hindi ko tignan ay alam ko naman kung sino. "Uncle Grey!" agad kong reklamo. "Ako na ang sasagot, Cleo. Hindi. Maglilinis ka pa ng tae ng kabayo sa kwadra," ani nito sa akin. "But, Uncle Grey!" tinakpan nito ang bibig ko. "Ako na ang bahala rito, Dmitri. Ingat sa biyahe." Natatawang tumango ang lalaki. "Wait!" natanggal ko ang palad ni Uncle na nakatakip sa bibig ko. "Don't leave me here... tell my kuya na I need help. Please. Uncle Dmitri, please!" pakiusap ko. Ngunit tinawanan lang ako nito. Bago tuluyang umalis ang sasakyan nito. Kumawala ako kay Uncle Grey. Masama ang tingin. "You're so mean, Uncle Grey. Chance ko na iyon para makauwi. I don't want to stay here." "Dinala ka rito ng parents mo para patinuin ka, Cleo. So, I'll stay here. Makakauwi ka lang sa inyo kapag matino ka na." "But I'm matino naman ah! Isang mistake lang naman iyong nagawa ko... Isa lang. I'm drunk pa no'n." "At iyang isang mistake na iyan ang dahilan kung bakit ka narito. Let's go. Uuwi na tayo." "No. Ayaw. Uuwi na ako sa city." "Go on. Tignan natin kung may nagpapasakay sa 'yo---" hindi ko na tinapos ang sinasabi nito. Dali-dali na akong tumalikod at naghanap ng pwedeng sakyan. Tamang sunod lang naman si Uncle. Lahat ng mga pinara ko ay hindi man lang huminto. Wala talaga. Kahit iyong mga bus na pam-public na may mga bakante pang upuan ay hindi talaga huminto. Suko na ako. Nilingon ko si Uncle Grey. "You're the salarin, Uncle Grey! Ayaw nila akong isakay because of you." "Yes. Ako nga ang salarin. Hindi ka nila isasakay, Cleo. So, decide. Sasakay ka sa sasakyan ko pabalik sa hacienda o maglalakad ka pabalik sa city?" inirapan ko ito at hindi na sumagot. Nang lumakad si Uncle Grey pabalik sa bulok niyang sasakyan ay sumunod na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD