Chapter Nine
Gusto ko sanang matulog sa biyahe pabalik ng hacienda. Pero paano ko gagawin iyon kung bulok talaga ang sasakyan ni Uncle Grey?
Sa bawat takbo no'n ay niyayanig talaga ang mundo ko.
Silaban ko na lang kaya ito para maisipan niyang bumili ng bago?
Pagdating sa Hacienda ay agad akong bumaba at nag-inat.
"Damn it! Ang sakit ng katawan ko," reklamo ko.
"Tsk. Puro ka reklamo. Ayaw mo rin namang maglakad."
"Ruth, may naririnig ka bang malignong bumubulong?" tanong ko kay Ruth.
"Gwapong maligno ba, ma'am?"
Agad kong nakita ang pagngisi ni Uncle Grey.
Ang kapal ng mukha.
Gwapo?
Baka kuwago.
Hindi ko na sila pinansin at agad akong pumasok sa bahay. Gusto ko nang maligo. Pakiramdam ko, pati buhok ko ay pagod sa biyahe.
Lahat yata ng alikabok ay kumapit din sa akin. Ano ba naman kasing klaseng sasakyan iyon? Bakit ayaw pang pag-retire-in ni Uncle Grey?
Walang awa talaga iyong matandang iyon.
"Ruth, I'm going to my room. Don't disturb me."
"Yes, Señiorita."
Mabilis akong umakyat sa hagdan. Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad kong isinara ang pinto.
Finally.
Tahimik.
Walang maingay na makina.
Walang lubak.
Walang Uncle Grey na puro sermon.
Huminga ako nang malalim at mabilis na naghubad para maligo.
"Thank God."
Pagod na pagod na talaga ako.
Kumuha ako ng towel at itinuloy ang pagpasok sa banyo.
Pero dalawang hakbang pa lang ako papasok ay bigla akong natigilan.
May gumalaw sa sahig.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko.
Isang malaking ipis.
Nakatayo lang ako roon nang ilang segundo.
Parang nagkatinginan kami.
Ako.
Siya.
Shocks! Ipis!
"Ahhhh!"
Mabilis akong umatras.
Tumakbo ang ipis!
"OH MY GOD!"
Mas lalo akong nataranta.
Mabilis kong hinablot ang towel at ipinambalot sa katawan ko bago ako napasigaw ulit.
"RUTH!"
Pero imbes na si Ruth ang dumating, isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa labas.
"Cleo!"
Napasinghap ako.
Bumukas ang pinto ng kuwarto at mabilis na pumasok si Uncle Grey.
"Ano'ng nangyari?" halatang nataranta ito.
Nakatayo siya sa may pintuan habang alertong nakatingin sa akin.
"Where is it?" binalik ko ang tingin ko sa banyo.
"It!"
"Ano'ng it?"
"Ipis!"
Napatingin siya sa akin.
Then sa banyo.
Then bumalik ang tingin niya sa akin.
"Iyon lang? Nagsisigaw ka ng gano'n dahil lang sa isip? Damn it!" nagalit ito. Base sa tono at tingin niya sa akin. Galit siya.
"Iyon lang?!"
Halos mapatalon ako sa inis.
"Uncle Grey, may ipis sa bathroom! That's kadiri. You think matutuwa ako if there is isip? No way! That is soooo iwww!" maarteng ani ng babae.
"At?"
"At what?"
"Patayin mo."
Nanlaki ang mata ko.
"Me?"
"Oo, ikaw."
"Are you crazy? Paano ko papatayin iyon? Baka lumipad! Wala ka bang brain, Uncle Grey? Mag-think ka nga. Gosh! Sayang ang brain mo. You're so bobo... Char!" biglang bawi ko.
Napapikit siya at marahang huminga.
"Cleo, ipis lang iyon. Inuna mo pa talaga iyang kaartehan mo. Pwede mo namang patayin."
"Ipis nga! Hindi mo ba alam na may wings ang mga 'yan? What if lumipad papunta sa akin? Gosh! Gamit ka ng brain, Uncle Grey. Naiinis na ako. I'm so scared nga eh. Tapos you want me to patay the ipis?"
"Kaartehan mong bata ka," pikon na pikon na ani ng lalaki. Saka nito hinubad ang tsinelas saka pumasok sa banyo ko.
"Ipis lang katatakutan pa. Kaartehan talsga," bubulong-bulong pa ito.
Tumitig pa siya sa akin na para bang gusto niyang iparating gamit ang titig niya kung gaano siya kapikon sa kaartehan ko.
"Sobrang OA."
"Something happened... it's natural na I make tili. I'm scared kasi."
"Cleo."
"Uncle Grey."
"Malaki ka na."
"I know."
"Then act like one."
Napairap ako.
"Easy for you to say. Hindi ikaw ang nasa banyo! Hindi ikaw ang nakakita ng ipis."
Tumalikod siya at naglakad patungo sa pinto ng kwarto ko. Hindi nito tinuloy ang paghahanap sa ipis. Siguro scared din siya ayaw lang niyang ipahalata.
"Where are you going?"
"Papapasukin ko si Ruth."
"Don't leave me!"
Napahinto siya at napalingon sa akin.
"You screamed because of a cockroach, and now you're scared because I'm leaving?"
"Yes!"
Napailing siya.
"Grabe ka."
Ilang segundo siyang nakatayo roon bago tuluyang binalikan ang banyo.
Narinig ko ang ilang kalabog.
"Where is it?"
"Sa gilid! Sa gilid!"
Gamit ang tsinelas na hinubad ay bigla na lang niyang binato ang isip.
It's so scary talaga.
"Patay na. Damputin mo at itapon mo sa basurahan."
"Me?" takot na turo ko sa sarili ko. "No way, Uncle Grey. I'll call Ruth---" akmang lalabas ako ng kwarto ng pigilan ako ng lalaki.
"Lintik ka talaga. Lalabas ka ng ganyan lang ang ayos mo? Ako na ang magtatawag kay Ruth," inunahan na niya akong lumabas. Malakas pa nitong isinara ang pinto.
Hindi ako bumalik sa banyo kahit patay na ang ipis. Hinintay ko talaga si Ruth.
"Ma'am, masyado mong ine-stress ang Uncle Grey mo. Baka kapag hindi na makatiis iyon ay isako ka na no'n. Behave ka po kahit kaunti lang," ani ng babae. Pumasok na ito sa banyo at inalis ang patay na ipis.
"Thanks, Ruth!" ani ko rito.
"Sige na. Pasok ka na. Bukas magpapa-general cleaning ako rito sa kwarto mo. May kailangan ka pa ba?" umiling ako rito.
"Wala na. Thanks. Kaya ko na ito. Pwede mo na akong iwan," saka ako sumampa sa bathtub. Kailangan kong i-relax ang katawan ko. Masyadong pagod na pagod dahil sa naging biyahe ko.
First time ko lang talagang lumulan sa gano'n klase ng sasakyan.
Kaya masakit talaga na para bang binugbog.
--
Maaga akong nagising.
Hindi na ako kinailangan pang bulabugin ni Ruth. Nakapag-shower at bihis na ako nang walang Ruth na nagawi sa kuwarto ko.
Proud na proud ako sa sarili ko.
Finally, kaya ko palang bumangon nang hindi kinakailangan ng alarm na naglalakad at sumisigaw sa tabi ng kama ko.
Maayos pa ang pagkakasuot ko ng damit nang bumaba ako.
Pagdating ko sa sala ay inabutan ko na si Uncle Grey na tahimik na nagkakape.
"Ang aga mo," puna agad nito.
"Of course!" taas-noo kong sagot. "Baka kasi magising na lang naman ako na may malamig na tubig sa mukha ko."
Bahagya itong sumimangot.
"Wala tayong lakad ngayon. Pwede ka pang matulog."
Napanganga ako.
Ano?
Sandali.
Parang may mali.
Tinitigan ko siya na para bang may sinabi siyang isang bagay na hindi ko matanggap ng utak ko.
"What?"
Nagpatuloy lang siya sa pag-inom ng kape.
"Why?"
"Wala tayong pupuntahan."
"Bakit hindi mo sinabi kagabi?"
"Para?"
Napakunot ang noo ko.
"Para hindi ako gumising nang maaga!" handa na agad akong magreklamo. Labas sa loob ko talaga ang paggising ng maaga. Pero pinilit ko dahil ayaw kong may masabi na naman si Uncle sa akin. Tapos walang lakad o trabaho ngayon? That's not fair.
"Ikaw ang gumising nang maaga."
"Exactly!"
Napataas ang boses ko.
"Pinilit kong gumising nang maaga! Kasi akala ko may work tayo today---"
"Tsk."
"Hindi ko alam na wala tayong lakad!"
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
Napabuka ang bibig ko pero walang lumabas na salita.
Exactly.
Ano bang gusto kong gawin niya?
Tsk. Dapat sinabi niya sa akin kagabi. Sabay pa kaming nag-dinner.
Umupo ako sa bakanteng upuan.
"I feel cheated."
Napatingin siya sa akin.
"Lugi ako."
"Sa alin?"
"Sa tulog."
Umirap siya at muling humigop ng kape.
"Matulog ka ulit."
"Now?"
"Oo."
"Pero nakapag-shower na ako."
"So?"
"Nakapagbihis na rin ako."
"Then change clothes and sleep."
Napatingin ako sa suot ko.
Maayos na maayos pa naman.
Sayang.
Ilang minuto akong nakatitig kay Uncle Grey habang kalmado lang itong umiinom ng kape. Ni hindi man lang mukhang nakokonsensya.
"Uncle Grey."
"Hmm?"
"You should have told me."
"Wala ka namang tinanong."
Napahawak ako sa dibdib.
"Grabe."
"Anong grabe?"
"Victim ako rito."
Napailing siya.
"Victim?"
"Yes. I woke up early for nothing."
"At least natuto kang gumising nang maaga."
Hindi ako makapaniwala.
Ito ba talaga ang reward ko?
"Don't make this a lesson, Uncle Grey. I just want compensation."
"Compensation?"
"Yes."
"Anong compensation?"
"I don't know... give mo kaya ako ng reward kasi nagising ako ng maaga?"
Umiling agad ang lalaki.
As expected.
"Fine. Masarap na breakfast na lang."
Inirapan lang ako nito bago nito ipinagpatuloy ang pagkakape.
May kasambahay na tumabi sa akin.
"Ma'am, ano pong breakfast ang gusto ninyong ihain namin?" agad akong nag-isip. Agad ko ring sinabi kung anong breakfast ang gusto ko.
Hindi man lang tumutol ang tiyuhin ko na naging focus na sa phone niya pagkatapos magkape.
Nakapag-breakfast na ako ay naroon pa rin siya. Hindi nga lang ako kinakausap.
"I'll check later. Maybe 7 am? Sure. Sure." Nang narinig ko iyon ay bumagal ang pagnguya ko.
May lakad ito. Ang unang pumasok sa isip ko... anong sasakyan kaya ang gagamitin nito?
Saktong dating ni Ruth.
"Ruth, sabihin kay Jacobe na ihanda ang sasakyan ko," utos ni Uncle Grey.
Walang binanggit kung anong uri ng sasakyan. Baka iyong bulok ulit na sasakyan niya. Napangiwi ako.
Nang natapos akong kumain ay tumayo na si Uncle Grey. Ganon din ako at agad akong sumunod sa kanya.
Nang nakita ko sa labas ang maayos at bagong-bagong sasakyan ay agad akong kumapit sa braso ni Uncle Grey.
"Sama ako?" agad kong tanong dito. Agad namang binaklas ni Uncle ang kamay kong nakakapit sa braso niya.
"Ruth," tawag ni Uncle Grey. "Isasama ko kayo pero oras na gumawa ng kalokohan itong alaga mo... ikaw ang malilintikan sa akin."
Napakamot sa ulo si Ruth.
"Lagot na naman ako," bulalas ng babae. Para bang ine-expect talaga nito na may gagawin na naman akong kalokohan.