bc

Her Sinful Mistake

book_age18+
89
FOLLOW
214
READ
billionaire
love-triangle
HE
powerful
heir/heiress
drama
bxg
brilliant
like
intro-logo
Blurb

Lauren picture her family as a broken vase, it can never be whole again. She lived the life she doesn’t want to have; all she wants is to be happy and to receive the love she deserves without anything in return, but she can’t have it because of her mother’s mistake. She will always be in debt to her father’s family.

One day her life will turn upside down because of a one single mistake she doesn’t want to commit that will ruin everything just to pay the debt she doesn’t need to pay.

Will she be able to correct the mistake she had done when things are in chaos already?

How can she handle the damage she created when she learns the truth in the end?

Her happiness, Her life, and Her Sinful Mistake.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Lauren POV

“Lauren, I need your help please!” Bungad na sabi n’ya sa akin ng pumasok s’ya sa loob ng condo ko.

“What do you need this time?” Walang emosyon na tanong ko sa kanya.

She probably lost something, or her dad scold her for being so magastos. Abby is a spoiled brat, and nothing can stop when she wants something.

“Dad confiscate my car and cards!” reklamo n’ya sa akin.

“Abby wala ng bago do’n,” sabi ko sa kanya.

“So, I need your help please, convince dad for me para ibalik n’ya ‘yung mga gamit ko. I badly need it for later dahil may kailangan akong puntahan.” Sabi n’ya sa akin at tinabihan ako.

“Why me?” Tanong ko sa kanya. “Because he listens to you,” sabi n’ya sa akin kaya napailing ako.

“Just use my card and car until he returns your stuffs. I don’t want to talk to your dad,” sabi ko sa kanya at inabot ang susi ng kotse ko pati na rin ang isang card ko.

“Are you sure? Baka wala ka naman pera after nito?” Tanong n’ya sa akin kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay.

“Edi ‘wag ka ng pumunta sa pupuntahan mo ngayon,” sabi ko sa kanya at pinagtaasan s’ya ng kilay at akmang babawiin na sa kanya ‘yung susi ko at card.

“I’ll pay you after na lang pala and please help me with mom dahil hindi ako makakauwi, just tell them na sayo ako matutulog ngayon. I think papayag naman sila knowing that ikaw ang kasama ko,” sabi n’ya sa akin.

“Abby why not you tell them,” Sabi ko sa kanya at tumango lang s’ya sa akin.

“How I wish na may sarili na rin akong condo, ayoko ng umuwi sa house eh. Ang boring do’n dahil wala naman sila, ang palagi ko pang kasama ay sila manang.” Sabi n’ya sa akin.

“Sanay ka naman na,” sabi ko sa kanya.

“You know what, I really envy you. May sarili kang condo, malaya ka at nagagawa mo lahat ng gusto mo ng hindi napapagalitan. How I wish to be you,” sabi n’ya sa akin at ngumiti.

“Tigilan mo nga ako d’yan sa kalokohan na sinasabi mo Abby, walang nakakainggit sa akin.” Sabi ko sa kanya.

Totoo naman ‘yon dahil wala naman talagang dapat ika-inggit sa akin. S’ya nga nakukuha n’ya lahat ng gusto n’ya at lahat ng atensyon nasa kanya, hindi lang n’ya nakikita ‘yon dahil madalas s’yang pagbawalan pero para naman ‘yon sa kaligtasan n’ya.

“Whatever Lauren and may I remind you na sasamahan mo pa pala ko bukas ng hapon sa isang party,” sabi n’ya sa akin. “Abby I can’t, madami akong kailangan gawin saka may pasok ako” sabi ko sa kanya.

I need to finish my thesis at ipapasa ko ‘yon bukas. After kong matapos ang thesis ko, wala na akong magiging problema at makakahinga na akong ng maluwag dahil makaka-graduate na ako.

“You can’t say no to me, and someone will deliver your outfit for tomorrow,” sabi n’ya sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang.

“Thank you very much, tama talaga ako na ikaw ang takbuhan ko. You always got my back. I’m so grateful to have you!” Masayang sabi n’ya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Just please h’wag ka ng gagawa ng kalokohan please lang,” sabi ko sa kanya.

“I promise and I need to go dahil maghahanda pa ako para mamaya,” sabi n’ya sa akin kaya napatango na lang ako at hinayaan s’yang lumabas.

Napabuntong-hininga na lang ako at napasandal sa inuupuan ko lalo na ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kahit hindi ko tingnan kung sino ang tumatawag alam ko na agad kung sino ‘to.

“What do you need?” tanong ko sa kanya.

“Stop spoiling her,” mariing sabi n’ya sa akin.

“I’m not, nagbabayad lang ako ng utang na loob sa inyo.” Sabi ko sa kanya dahil iyon naman ang totoo.

“Can you stop saying that nonsense Lauren,” naiinis na sabi n’ya sa akin.

Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Malaki kasi ang utang na loob ko sa kanila. Lalo na kay Abby.

“Whatever but that’s the true, malaki ang utang na loob ko sa inyo lalo na kay Abby kaya tama lang na ibigay ko ‘yung magpapasaya sa kanya,” sabi ko sa kanya.

“Wala kang utang na loob na dapat bayaran sa amin Lauren, keep that in your mind.” Sabi n’ya sa akin pero umiling ako.

“Kahit anong sabihin n’yo hindi pa rin magbabago ang isip ko saka wala naman ibang hinihingi si Abby sa akin bukod sa mga simpleng pabor na kaya ko naman gawin. Ayokong pabayaan ‘yung taong tumanggap ng buo sa akin.” Sabi ko sa kanya.

“So, what do you mean? Si Abby lang ang tumanggap sayo ng buo?” tanong n’ya sa akin at mas lalo pang tumaas ang boses n’ya.

“Oo. Si Abby lang naman ang hindi humusga sa akin simula ng pumasok ako sa buhay n’yo,” sabi ko sa kanya.

“I’m trying to fix everything Lauren, so don’t make it difficult for me. Ibinibigay ko naman ang mga gusto mo at mga kailangan mo. So don’t talk to me like that na para bang hindi ka welcome,” galit na sabi n’ya sa akin.

Gusto ko na s’yang sagutin sa totoo lang pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil alam ko naman na walang mangyayari.

“Okay and about Abby, ibinigay ko sa kanya iyong kotse ko pati na rin ‘yung card ko. She will stay with me for tonight. Just let her do what she need to do this time, don’t get mad at her and rest assured that she’s safe. Iyon naman ang dahilan ng pagtawag mo sa akin diba? So ‘wag na nating pahabain pa ‘tong tawag na ‘to. Your concern is Abby and don’t worry wala mangyayaring masama sa anak mo,” sabi ko sa kanya at pinagpatayan na s’ya ng telepono.

Ipinatong ko na lang ang cellphone ko sa lamesa saka kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator at ininom ‘yon.

Wala talagang mangyayaring maganda kapag nag-uusap kaming dalawa at lalo lang lumalayo ang loob namin sa isa’t-isa. I’m trying to be close with him as much as I can, but everything doesn’t make sense in the first place. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Young Wife (Strawberry & Spencer)

read
1.2M
bc

My Possessive Uncle Is My Lover (Super SPG)

read
536.6K
bc

Sweet Seduction

read
231.4K
bc

The Man with a Fragile Heart

read
190.5K
bc

Loving His Enemy (Love in Disguise Book 3)

read
10.6K
bc

My Desired Husband [Tagalog]

read
8.7K
bc

The Billionaire’s Surrogate Wife

read
1.2M
dreame logo

Download Dreame APP

download_iosApp Store
google icon
Google Play