Chapter 2 - Lauren POV

1105 Words
Tulad nga ng sinabi ni Abby kahapon, may dumating nga sa akin ngayong maga na isang malaking box at mga paper bags na sa palagay ko ay sapatos saka bag ang laman. Sa katunayan nga ito ang gumising sa akin ngayong maga. Hindi ko alam kay Abby kung saan n’ya akong dadalhin mamaya pero hindi ko muna ito inisip at mas inuna ko muna ang ipapasa kong thesis paper sa professor ko ngayon. And speaking of Abby pala, isa pa ‘yon na magpapasa rin ng thesis n’ya kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at sinimulan ko na s’yang tawagan. “Why?” bungad na tanong n’ya sa akin ng sagutin n’ya ang tawag ko. Base sa tono ng boses n’ya mukhang kakagising lang n’ya. “Did you pass your thesis paper already?” tanong ko sa kanya. “Oh shit!” mura n’ya kaya napailing ako. “Your word Abby!” reklamo ko sa kanya. “Sorry, I forgot about the thesis paper Lauren.” Sabi n’ya sa akin at mukhang nagpapanic na s’ya ngayon. “Ano ba kasi ang ginagawa mo at nakalimutan mo na kailangan magpasa ng thesis paper ngayon?” tanong ko sa kanya. “I was drunk last night, and I was so busy with some stuffs these days kaya nakalimutan ko,” sabi n’ya sa akin. “Anong balak mo?” tanong ko sa kanya. “Can you do me a favor? I’ll send you my paper, but I’m not yet done revising it, can you do it for me? I promise I will treat a meal or anything you want just please do it for me please,” sabi n’ya kaya napabuntong-hininga ako. “Okay. Just send me the files,” sabi ko na lang sa kanya. “Really! Thank you so much,” masiglang sabi n’ya at tinapos ko na ang tawag. I was supposed to leave early today pero hindi ko magagawa dahil kailangan ko pang tapusin ang thesis paper ni Abby. Sanay naman na ako sa ganito dahil dati pa lang ako na talaga ang gumagawa ng mga bagay na hindi n’ya natatapos kapag may iba s’yang pinagkakaabalahan. Iniisip ko na lang na kulang pa ‘to sa lahat ng naitulong ni Abby sa akin. She deserves my help and support, wala akong pagsisisi sa pagtulong ko sa kanya. Nang matapos ko ang thesis paper n’ya, gumayak na ako at saka umalis para pumunta sa campus. Magco-commute lang ako ngayon dahil na kay Abby ang kotse ko. Sanay naman ako sa ganito dahil sa tuwing ipinapahirap ko kay Abby ang kotse ko palagi akong nag co-commute. Inabot ako ng isang oras sa byahe at ng makarating ako sa university, dumiretso agad ako sa department namin saka ko hinanap ‘yung professor dahil sa kanya ko ipapasa ang papers namin. Mabilis ko rin naman s’yang nakita dahil nasa faculty room lang naman s’ya. “Good thing you bring it on time Ms. Alfaro,” sabi n’ya sa akin. “Sorry for the delay Ms. Santiago,” sabi ko sa kanya at tumango na lang s’ya. Nagpaalam na ako at lumabas na ng faculty room. Wala akong gagawin ngayon dito sa campus bukod sa ipasa ‘yung thesis paper namin. Mas matagal pa iyung byahe ko kesa sa ipinunta ko talaga dito kaya hindi muna ako umuwi at mas pinili ko na lang na tumambay muna sa greenhouse ng department namin. Luckily walang tao ngayon dito dahil na rin siguro oras ng klase at saka wala rin masyadong tumatambay dito dahil malayo pero para sa akin okay lang kasi masarap langhapin ang hangin dito lalo na at puro puno pa. Umupo ako sa bakanteng bench sa may ilalim ng puno at kinuha ko ang librong dala ko. Dito muna ako magpapalipas ng rush hour bago ako bumalik sa condo at maghanda para sa pupuntahan namin ni Abby. I don’t really want to accompany her pero alam ko naman na hindi n’ya ako titigilan kaya wala akong choice. Knowing Abby, hindi s’ya titigil hanggang hindi n’ya nakukuha ang gusto n’ya. Ang tagal na rin simula ng makalanghap ako ng sariwang hangin saka ng ganito katahimik na lugar. How I wish I could bring back the old days. Hindi sana ganito ang buhay ko, masaya sana ko kasama si Mama pero alam ko naman na hindi ko na maibabalik ang lahat sa dati. Kung hindi lang ako nagmatigas at nakinig ako sa kanya hindi sana ganito ang sitwasyon ko. Napabuntong-hininga na lang ako at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa binabasa ko. Wala naman mangyayari kung babalikan ko pa iyung nakaraan. Nangyari na ‘yon at kahit ano pang gawin at isipin ko hindi ko na ‘yon mababalikan pa para itama ang mga naging pagkakamali ko. Ang hirap mabuhay sa isang katauhan na hindi mo naman ginusto pero ano ba ang magiging choice ko? Wala naman. Nang matapos ako sa binabasa ko ay nagpasya akong umalis na at umuwi para makapag-ayos na rin. Panigurado kasi na nandon na si Abby pagdating ko at saka naglalabasan na rin naman ang mga estudyante kaya dumadami na ang tao. Naglakad na ako palabas ng campus para umuwi ng makarinig ako ng sigawan mula sa parking lot, hindi naman ‘yung sigawan na nagkakagulo pero mga tiliian s’ya ng mga babaeng kinikilig. Hindi na ako magtataka kung sino ang mga tinitiliian ng mga babae na ‘yon. Hindi na ako nakigulo pa sa kanila at mas pinili ko na lang na umalis pero kapag nga naman ninamalas ka bigla pa akong natisod ng may bumangga sa akin na mga babae para lang takbuhin ang mga varsity player ng university. Dahan-dahan akong tumayo at hindi ininda ang sugat sa tuhod ko ng may mag abot sa akin ng panyo kaya napatingin ako sa taong ‘yon. Of all people bakit s’ya pa? Thaddeus Gavin Enriquez, a well-known varsity player and the heir of Enriquez empire. “Take it,” sabi n’ya sa akin at kinuha ang kamay ko para makuha ko ang panyo na inaabot n’ya. Pagkatapos n’yang ibigay sa akin ang panyo n’ya ay umalis na s’ya. Lahat naman ng tao ay nakatingin sa akin dahil sa ginawa n’ya. Napabuntong-hininga na lang ako at umiwas sa mga tingin ng tao sa akin. Hindi ko na ininda ang sakit ng tuhod ko at nagmamadaling lumabas ng campus para maabutan ko ang jeep na sasakyan ko. I hate people’s attention, unlike Abby na gusto n’ya nasa kanya ang atensyon ng lahat. As much as possible ako na mismo ‘yung umiiwas sa mga tao lalo na sa sitwasyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD