Chapter 3 - Lauren POV

1133 Words
Nang makarating ako sa unit ko, hindi nga ako nagkamali at naabutan ko si Abby sa loob. “What took you so long?” tanong n’ya sa akin at sinalubong ako. “Traffic kasi kaya natagalan ako,” sagot ko sa kanya. “Dad brought me a new car after what happened so I’m returning your car na and he also make balik na my cards kaya ibabalik ko na rin ‘yung card mo,” masayang sabi n’ya sa akin saka inilapag sa lamesa ang card at susi ng kotse ko. “Okay na kayo?” tanong ko sa kanya. “Yup, thanks to you for convincing him and mom did something para rin maibalik ‘yung cards ko,” sabi n’ya at hindi mawala ang ngiti sa labi. I envy her because of that, she can easily get the things she wanted without working hard for it. Unlike me, I need to prove myself and sacrifice my real identity to protect and get what I want. I sighed and smile at her. “Next time don’t be so stubborn and obey them as much as possible,” sabi ko sa kanya. “I know and by the way I got something for you, for your dress later,” sabi n’ya sa akin at ipinakita ang isang set ng jewelry kaya nanlaki ang mata ko. “I don’t need that Abby, that was too much!” sabi ko sa kanya at umupo sa couch. “Come on! wear this for tonight, just for tonight. Mas bagay kasi s’ya sayo kesa sa akin saka minsan lang naman.” Sabi n’ya sa akin at pinagtaasan ko s’ya ng kilay. Ayokong magkaroon ng misunderstanding dahil sa jewelry set na ‘yan. Hindi naman kasi ako tanga para hindi malaman kung ano ang okasyon ngayong araw na ‘to. Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko kahapon ang araw na ‘to. Kung alam ko lang edi sana umuwi na lang ako sa probinsya tulad ng ginagawa ko sa tuwing sasapit ang araw na ‘to. “Abby, I think that jewelry is meant for you,” sabi ko pa sa kanya. “Akong bahala sayo saka they won’t notice it naman, isipin mo na lang na this is my way of saying thanking for all the favor and of course ngayon ka lang hindi nakatakas sa akin for today’s occasion. Palagi ka kasing nasa probinsya every time na may gatherings sa bahay and I’m super bored without you,” sabi n’ya sa akin at kumapit pa sa braso ko. Napabuntong-hininga na lang ako at walang nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto n’ya. Sabay na kaming nag ayos na dalawa dahil ayaw n’yang ma late kami. “Mom is calling,” sabi n’ya sa akin habang inaayos n’ya ang bag n’ya. “Answer it,” sabi ko sa kanya at ako na ang nag ayos ng mga gamit n’ya. She was busy talking to her mom while I was fixing her stuffs, when I notice the paper on the bed. I get it and my eyes widen when I saw what’s on it. I look at Abby who were busy talking on the phone and look again at the paper in my hands. “Bye mom, I’ll be there don’t worry” sabi n’ya sa kausap n’ya saka humarap sa akin. Natigilan naman s’ya ng makita n’ya ang hawak kong papel. Para s’yang nakakita ng multo dahil sa hawak ko at hindi s’ya makalapit sa akin. “Anong ibig sabihin nito Abby?” tanong ko sa kanya at nilapitan s’ya. “Wala lang ‘yan,” sabi n’ya sa akin at mabilis inagaw ang papel na hawak ko saka ‘yon itinago sa likod n’ya. “Sigurado ka ba d’yan Abby? Hindi kasi ‘yon ang nakikita ko sa inaakto mo. Bakit ka merong ganyan?” tanong ko sa kanya. Nag-iwas s’ya ng tingin sa akin. Hindi n’ya ako matingnan ng diretso sa aking mga mata. “I didn’t plan this, things mix up!” sigaw na sabi n’ya sa akin at napaupo sa kama. “Alam na ba nila ‘to?” tanong ko sa kanya. “No! hindi nila pwedeng malaman, lalo na si dad.” Sabi n’ya sa akin. “Anong balak mo?” tanong ko sa kanya. “I can get rid of this, don’t worry and everything will be okay!” mariing sabi n’ya sa akin. “Nasisiraan ka na ba? Kasalanan ‘yang gusto mong gawin!” mariing sabi ko sa kanya. “Nakapagdesisyon na ako saka wala naman mawawala kapag ginawa ko ‘yon pero madaming mawawala sa akin kapag hinayaan ko ‘to,” sabi n’ya sa akin kaya napapikit ako. “Who did this to you?” tanong ko sa kanya pero umiling s’ya sa akin. “Abby, I need to know who impregnant you! He should be responsible for what he did to you!” mariing sabi ko sa kanya kasi sa totoo lang ako ‘yung naloloka sa nangyayari sa kanya. I never imagine na mangyayari ‘to sa kaniya. “I’ll fix this, just don’t tell anyone about this matter please. I will talk to him and fix everything para bago malaman nila dad ay okay na,” sabi n’ya sa akin. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya pero pumayag na rin ako. Inayos na namin ang mga sarili namin na parang walang nangyari at umalis na. Nauna s’ya sa akin dahil pinasundo s’ya ng mommy n’ya at sumakay naman ako sa sarili kong sasakyan. Habang nasa byahe ako, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kay Abby. I never imagine na mabubuntis s’ya ng ganon. She was always protected by everyone; she is like a gem in the family and her mom value her so much. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng lahat kapag nalaman nilang buntis si Abby, will they get mad or let it slide just like the old times? Sa tuwing nakakagawa si Abby ng kasalanan parang wala lang nangyari. Hindi katulad sa akin na kapag ako iyong nakagawa ng mali para na akong nakapatay sa sermon na sinasalubong sa akin ni daddy at kulang na lang ipagtabuyan ako sa labas. Hindi na nga ako kinilalang anak sa daming tao dahil isa lang akong bastarda at kapag nalaman ng lahat ang totoong ugnayan ko sa pamilya nila, isang malaking issue. Ito ang buhay ko ngayon, isang bastarda na hindi ko naman ginusto. Kung hindi ko lang kailangan lumapit sa ama ko hindi sana ganito ang nararamdaman ko ngayon. Habang buhay na akong magbabayad ng utang na loob sa totoong pamilya n’ya sa pagpapa-aral sa akin at sa lahat ng meron ako ngayon. I will always in debt with his family. Especially with Abby, my half-sister.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD