I was hesitating to get off my car when I arrived at the venue. Puro mga mayayaman agad ang bumungad sa akin at halos lahat ay mga kaibigan ng stepmother ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas sa kotse ko at pumasok sa loob ng venue.
Bumungad sa akin ang kagandahan ng lugar, puro mga businessman at kilalang personalidad ang nandito. Hindi naman na ako magtataka dahil sa yaman ba naman ng pamilya ng ama ko.
“Lauren!” tawag sa akin ni dad ng makita n’ya ako. Bahagya pa s’yang nagulat dahil nandito ako. “What are you doing here?” tanong n’ya sa akin.
“I was invited dad. Abby invited me here,” sagot ko sa kanya. “Don’t worry kung ayaw n’yo ako dito, pwede naman akong umalis na lang kesa naman ganyan na kinakabahan kayo sa tuwing nakikita ako lalo na kapag madaming tao. I know my place,” sagot ko sa kanya.
“Lauren, I didn’t mean that way. Hindi ko lang inasahan na pupunta ka dito,” sabi n’ya sa akin.
“Hindi ko rin gustong pumunta,” sagot ko sa kanya at bahagyang nilayuan s’ya ng may lumapit sa kanya.
“Lazarus is this your daughter?” tanong nito kay dad at itinuro ako. Tumingin naman sa akin si dad at ibinalik ang tingin sa nagtanong sa kanya. “No, she’s my daughter’s friend. Abby is with her mom right now.” Sagot nito dito.
“I though she’s your daughter, magkamukha kasi kayo.” Sabi nito sa amin. Lihim akong napangiti sa sinabi ng kausap ng ama ko.
Totoo naman na magkamukha nga kami ni dad, mas kamukha n’ya ako kesa kay Abby.
“We get that a lot,” sagot ni dad dito saka tumawa.
“So, how’s the company? I heard from Atty. Reyes that you’re planning to step down from your position. Usap-usapan na kung sino ba ang ipapalit mo sa posisyon mo. I bet your daughter will inherit everything,” sabi nito kay dad.
Ano pa bang aasahan, Abby is the legitimate daughter. Sa kanya mapupunta lahat kahit hindi naman s’ya ang naghirap.
Hindi ko na inintay ang isasagot ng ama ko sa kausap n’ya at nagpaalam na ako sa kanila. Ayokong masaktan sa katotohan. “Excuse me, I’ll just go find Abby.” Sabi ko sa kanila at iniwan na sila do’n.
Sa totoo lang hindi ko naman talaga hahanapin si Abby dahil ayokong magkita kami ng stepmother ko, na hindi ko naman maiiwasan dahil para sa kanya ang event na ‘to. Hindi man kasi n’ya sabihin ng direkta sa harap ko alam kong ayaw n’ya sa akin.
Ako naman kasi ang bunga ang kataksilan ng ama ko sa kanya.
“I’ve been looking for you everywhere,” sabi ni Abby sa akin ng bigla n’ya ako makasalubong.
“Do you need anything? Nakausap mo na ba s’ya?” tanong ko sa kanya.
“Can we please not talk about it for now, ayokong may makarinig. Dad will get mad and the whole event will be ruin.” Sabi n’ya sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya.
I was about to ask her something ng bigla s’yang natigilan at napakapit sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Are you okay?” tanong ko sa kanya pero mukhang hindi naman n’ya ako narinig dahil nakatuon lang ang atensyon n’ya sa isang bagay kaya sinundan ko ng tingin ang tinitingnan n’ya.
She was looking at a guy with a woman beside him. They were talking, well flirting. The arm of the man was wrap at the waist of the woman he’s with. They were flirting while enjoying their drink at the bar counter.
“Come here,” sabi ko kay Abby at hinila s’ya papasok sa may bakanteng kwarto. “Is he the man?” tanong ko sa kanya at tuluyan ng tumulo ang mga luha n’ya.
“Y-yes,” sagot n’ya sa akin. “Talk to him and tell him that your pregnant!” mariing sabi ko sa kanya.
“Ayaw n’ya sa bata, gusto n’yang ipa-abort ko ‘to.” Sabi n’ya sa akin.
“He’s an asshole!” inis na sabi ko.
“I can’t have this baby either, dad will get mad. He will disown me, and my inheritance is at risk. I can’t face this alone, and Thaddeus will not accept this baby,” natatarantang sabi n’ya sa akin.
“I’ll talk to dad and if the guy really doesn’t want that child we can raise it, magpalamig ka muna sa US and give birth there,” sabi ko sa kanya.
Hindi s’ya makasagot sa sinabi ko sa kanya. I can raise the child if she doesn’t want it. Ayoko lang kasi na may buhay na mawala dahil lang sa desisyon n’ya na hindi pinag-iisipang mabuti.
“Ma’am Abby hinahanap na po kayo ng parents n’yo,” sabi sa amin ng secretary ni dad ng biglang bumukas ang pinto.
Walang nagawa si Abby kung hindi ang lumabas at sumunod sa kanya. Sinundan ko na rin sila para malaman kung ano na ang nangyayari sa event. They are now introducing the family of the celebrant, lahat sila nasa stage at masayang nakaharap sa mga tao.
Nag iwas na lang ako ng tingin at halos bulungan ng mga tao ay ang pagpalit ni Abby sa posisyon ni dad sa kompanya nito. I’m not against pero may kirot lang sa puso ko na dapat ay hindi ko nararamdaman dahil isa lang naman akong bastarda. Isang bastardang walang nakakakilala.
“Need a drink?” napalingon ako sa nagtanong ko sa akin at kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino ‘yon.
“No thanks,” sagot ko sa kanya.
“You look sad. This is a celebration, you should be happy,” sabi nito sa akin pero hindi ko s’ya pinansin.
“I have no time for you Argus,” sabi ko sa kanya.
“I know,” sabi n’ya sa akin at lumapit pa pero nilayuan ko s’ya. Natawa naman s’ya sa ginawa ko at hindi na ako kinulit pa. “Thaddeus!” tawag n’ya sa lalaking dumaan sa harap namin.
Lumapit naman ‘to kay Argus, “What are you doing here?” tanong nito kay Argus.
Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang taong kaharap namin ni Argus ngayon, he is one of the varsity players of our school. How could I not recognize the famous Enriquez. Tahimik lang s’ya pero madaming babae ang nagkakagusto sa kanya katulad ni Argus.
“I was invited here, so how was the engagement?” sabi ni Argus dito. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi n’ya.
This guy is already engaged. Does my sister know it?
“I bet you know Thaddeus, Lauren.” Sabi ni Argus sa akin. I know him, s’ya ang kinababaliwan ng kapatid ko. Bakit ba hindi ko pa naisip na ang Thaddeus na tinutukoy ni Abby na nakabuntis sa kanya ay ang Thaddeus na kinakabaliwan n’ya.
“No,” sagot ko sa kanya kaya natawa s’ya.
I don’t want to know him, ang gusto ko lang ay panagutan n’ya ang kapatid ko sa ginawa n’ya pero paano n’ya gagawin ‘yon kung engaged na s’ya sa iba. I hope Abby can do something about it.
“I’m not surprise, you should socialize sometimes. Be like Abby, she like to be with people not like you who love books,” sabi n’ya sa akin kaya napairap ako.
“I’m not like her,” sabi ko sa kanya at iniwan silang dalawa.
Hindi kami magkatulad ni Abby, she was the legitimate daughter, and I was offspring of my parents’ mistake.
Nagpunta na lang ako sa may balcony para do’n maglagi. Sumalubong sa akin ang preskong hangin at napangiti ako.
“Peaceful at last,” sabi ko at tumingin sa kalangitan. Sana pala umuwi na lang ako sa probinsya, kung hindi ko lang kailangan ipasa ‘yung research paper ko edi sana wala ako ngayon dito. Nanatili muna ako ng mga ilang minuto dito bago ako nagdesisyon na umuwi na. Hindi na rin ako nagpaalam kay Abby dahil busy pa s’ya at nakita kong kausap n’ya ang ama ng anak n’ya.
I was hoping na maayos n’ya ang ginawa n’yang gulo dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung ako pa ang aayos ng gulong ginawa n’ya.