Malakas na sinara ni Marco ang pintuan. Umalingawngaw iyon sa buong silid at tumagos sa dibdib niya. Mabilis siyang bumangon at tumakbo sa pintuan. Nanginginig ang mga kamay niya nang pinihit ang doorknob. Naka-lock. Nanlamig siya. "Marco." Isang beses lang. Malamig at pagod na. Walang sumagot. Gabi na sa labas. Madilim na ang bintana at tanging ilaw lang mula sa hallway ang tumatagos sa ilalim ng pinto. Sila na lang dalawa sa loob ng mansyong ito. Tuwing gabi nawawala ang mga kasambahay. Hindi aksidente iyon. Plano. Kahit anong sigaw niya ngayon, si Marco lang ang makakarinig. At iyon mismo ang gusto nito. Dahan-dahan siyang napaluhod sa sahig. Hinila ang mga tuhod papalapit sa dibdib at niyakap ang sarili. Nakaligtas siya kay Ramon. Sa mga kamay nito. Sa mabahong hini

