Buong gabi yata siyang gising at pinagmamasdan lang si Savannah habang tulog ito. Nag-alala siya para kay Savannah. Hindi niya gusto ang ugali ng Mommy nito, na wala ng ibang ginawa kundi ang umasa kay Savannah, para makapabuhay mayaman ito at nang dalawang beses na pagtangkaan ni Ramon si Savannah, ang Mommy nito ang dahilan kung bakit hindi nakamit ni Savannah ang hustiya, ay dahil sa takot na makulong ang Mommy nito. At ngayon meron na naman itong ginawa at si Savannah na naman ng umayos. Buong puso niyang binigay kay Savannah ang pera iyong na walang ano mang hinihinging kapalit. Na kay Savannah na iyon kung gusto siya nitong mapasalamatan. Para kasi sa kanya makita lang niyang masaya si Savannah, masaya na rin siya, iyung makita itong hindi malungkot at walang problema. Mula kasi ng