Dahil na rin madaling araw na at may puso naman siya, kaya niyaya na niyang matulog si Marco sa unit niya. "Ikaw na sa kama, Marco ako na lang sa sofa," sabi pa niya. Maliit lang kasi ang sofa niya, paniguradong hindi kakasya si Marco. "Kasya naman tayo dito sa kama, magtabi na lang tayo," Marco said. Hindi siya agad nakakibo. Naalala ang ginawa sa kanya ni Marco kanina, saka siya napalunok at iniling ang ulo nabaling naman sa may kusina ang mga mata niya at namataan ang evening dress at coat ni Marco sa sahig. Napakagat labi siya. "Savannah, wala akong gagawin sa iyo against your will," sabi ni Marco sa kanya. Nahihiya siyang tumingin rito. "Mauna ka nang maghilamos, aayusin ko lang ang kalat," sabi niya rito. Tumango naman ito at tinuro niya kung saan ang bathroom. Nagbuga siya ng