NICKAELLA A-ana? Lumayo sya sakin at umupo sa sofa, mabilis naman akong hinila ni Xenon at kinulong sa bisig nya. "Ano bang kailangan mo at ng grupo mo Ana Mañosca? Bakit hindi mo kasama ang mga kasamahan mo ha!" Litanya ni Craven na halatang galit na. Chill na chill naman si Xenon na nakatingin lang kay Ana na walang emosyon. "Sabihin na nating mas maganda kung di muna sila aasa sa kakayahan ko, mas magandang sila muna ang mag hanap ng pinto, kaya lang imposible dahil ayos na ang pinto, pinaayos ko na sa isa kong kasamahan at sa tingin ko ay inililigaw nya na ang ibang ministro." Huh? Bakit? Ano ang plano nya? "Mas gusto kong panoodin kayong mag away away habang ako nakaupo lang." "Tuso ka talaga Ana." Napatingin ako kay Kyle na naglakad palapit kay Ana. "Sabihin mo? Nakampi ka