NICKAELLA "Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Danny na ngayon ay nagmamaniobra ng bangka nya. Padilim na kaya medyo natatakot na ako. Kahit na kalma ang dagat ay nakakatakot parin lalo na at malamig ang hangin. "Oho Ma'am, malapit na po tayo. Sakto ho siguro sa pagkagat ng dilim. Wag ho kayong mag alala may flashlight naman akong dala." Sabi nito. Palubog na ang araw. Kung sa mga normal na araw, ma fafaascinate ako sa ganda nito, ngayon hindi ko man lang ma appreciate ang mga bagay na nasa paligid. "Ma'am ano ho bang iniisip nyo?" Napatingin ako kay Danny. Iniisip? "Yung anak ko lang Danny, sana nasa mabuti syang lagay." "May anak na ho kayo Maam?" "Naku! Wag mo na nga akong tawaging 'Ma'am, Nickaella ang pangalan ko kaya yun ang itawag mo sakin, at oo, may anak ako. Hindi ba halat