NICKAELLA Nagpatianod nalang ako sa taong humihila sakin. Lagi naman akong hinihila. Ano pa bang magagawa ko? "San nanaman tayo pupunta nito ha Xenon? Baka balak mo pa akong papuntahin sa Mars, let me know." "Kung hanggang sa mars pa, kaya kitang dalhin basta maging sakin ka lang muli." Nanahimik na ko. Nakaka awkward ang mga sinasabi nya ha. Nakakaktakot na sya. Akala mo naman isa akong property nya na nakuha ng iba kaya nang nagkachance sya na bawiin ay gagawin ang lahat mapasakanya lang ulit. Ultimo siguro pagsungkit ng mga bitwin gagawin. Habang papalayo kami ay nagbabago narin ang disenyo ng bahay. Mula sa modern classic ay naging futuristic. Mahahalata mo agad yun dahil napapalibutan na ng bakal at mga parang ilaw na blue ang paligid. May mga pinto din na may pintong salam