NICKAELLA Naglakad na papunta sa loob yung sumundo sakin kaya sumunod na ako. Sa paglalakad ko ay napagtanto ko kung gaano ito kaganda at at the same time ay kung gaano kayaman ang may-ari nito. Hmm baka naman, drug pusher? Oh di kaya sindikato o baka naman... Mafia bo--- Erase! Hindi! Hindi pwedeng makatagpo nanaman ako ng mga katulad nila! Baka kung saan nanaman ako pulutin, or worst magkita na ang landas namin, siguro may pamilya na rin sya, may anak, sana naman patahimikin nya nalang ang kalooban ko. Anyway... Maraming mga bulaklak dito pero may napansin ako. Lahat ay pula o di kaya ay itim na rosas. Teka, may itim ba talagang rosas? Tumigil ako sa isang itim na rosas, aamuyin ko na sana ito ng... "Itigil mo yan!" Nako lagot. Nakalimutan ko na may kasama nga pala akong taga dito s