NICKAELLA Agad akong umakyat sa magarbong hagdan. Creepy man pag mag-isa pero mas gusto ko ng mag isa kesa naglalakad ako at may sinusundan na hindi nagsasalita. Lamp lang ang tanging ilaw sa daan. Kada hakbang mo ay tumutunog. Tinitingnan ko ang itaas pero madilim pa. Siguro ay malayo pa kaya medyo madilim. Malaya kong natitingnan at nahahawakan ang mga displays specially ang mga paintings dito. I'm sure naman na walang nagbabantay sakin. CCTV? Well halata namang wala, at kung may hidden camera man, sus ang dilim kaya. Habang naglalakad ako ay kumakabog ang dibdib ko. Sa hindi malamamg dahilan bigla nalang akong kinabahan. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Relax lang Nickaella. Napalapit ako sa isang malaking painting. Kakaiba ang design nito at paint. May isang lalaking seryoson