Chapter 27

1824 Words

BUMABA sina Aniah at Evo sa tapat mismo ng St. Ferdinand Cathedral Parish. Nag-sign of the cross pa siya at sandaling nanalangin sa kaniyang isipan na sana ay gabayan silang dalawa ni Evo kung saan man sila pupunta. Halos katapat lang ng simbahan ang isang sikat na fast food chain. Napatitig pa roon si Aniah nang maalala na kumain sila sa ganoon ni Evo. Iyong branch na nasa Monterey Mall. “Gusto mo bang kumain?” Saka lang nagawang magbawi ng tingin ni Aniah para sulyapan si Evo. “Ahm, medyo.” “Diyan sa Jollibee?” tanong pa ni Evo kay Aniah. Umiling si Aniah. “Parang mas masarap doon sa naraanan natin bago tayo bumaba rito.” Itinuro pa niya iyong palikong kanto. May nakita siya roon na parang night market kung tawagin. Iyong maraming kainan. Kung kailan gumagabi, saka naman parang dum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD