“MUKHANG sinapian nang isang masipag na kaluluwa si Aniah,” wika pa ni Dos kay Kaizen. Nang mga sandaling iyon ay abala si Aniah sa pagkuha ng mga nalaglag na dahon sa may swimming pool. “Ano ba ang nangyari diyan?” Nagkibit ng balikat si Kaizen. “Ewan. Nagising na lang ako na nariyan na ‘yan sa pool at nag-aalis ng mga dahon. Epekto ba ‘yan ng pagkakaroon niya ng sakit?” “Baka may maling gamot na nainom ‘yan noong nasa ospital.” Minabuti ni Dos na lapitan si Aniah sa may gilid ng swimming pool. “Hey.” Saka lang nagawang mag-angat ni Aniah ng tingin. Nakita niya ang kaniyang Kuya Dos at Kaizen. Halatang kagigising lang dahil sa buhok ng mga iyon na hindi man lang naabalang suklayan. “What?” walang kagana-gana niyang tanong. “Wala ka bang pasok?” tanong ni Dos kay Aniah. Nagbaba s