WALA yatang araw na hindi masaya ang pakiramdam ni Aniah. Sa kabila ng pagiging pormal nilang dalawa ni Evo sa trabaho, kabaliktaran naman niyon kapag wala na sila sa The Kings. Ilang beses ding naging saksi ang Mercato Lucena at Perez Park sa madalas nilang paglabas ni Evo pagkatapos ng kanilang trabaho. Sapat na iyong ilang oras na magkasama sila bago magsiuwian. Wala ring kasawaan si Evo sa paghahatid sa kaniya pauwi sa Pagbilao. Ngunit hanggang sa Monterey Mall lang siya nito hinahatid. Malinaw na wala silang label sa ngayon, ngunit hindi maikakaila ang mutual feelings nila para sa isa’t isa. Hindi na rin pinipigilan pa ni Evo na ipakita iyon sa kaniya. At kahit ano pang papansin nina Olivia at Jane kay Evo sa trabaho, nanatiling pormal ang binata sa mga iyon. Ni hindi ito ngumingi