Chapter 42

2103 Words

“THANK YOU,” ani Aniah nang makalayo sila ni Evo sa kinaroroonan ni Olivia. Hindi na mahalaga kay Aniah kung ano pa ang iisipin o sasabihin ni Olivia matapos marinig ang sinabi ni Evo na espesyal siya para dito. Tiyak ni Aniah, isang buong linggo na mababaliw-baliw si Olivia. Tipong iiyak ito kahit hindi naman nito boyfriend si Evo. Pero sa parte na iyon, wala na siyang pakialam pa. Natutuwa ang puso niya sa pagdepensa ni Evo sa kaniya. Sino ba ang hindi? He really cares for her. “Aniah,” baling sa kaniya ni Evo. Mahigpit din nitong hawak ang kaniyang isang kamay. “I swear, hindi ko mapapatawad ‘yang si Olivia kapag may ginawa na naman siya sa iyo.” “Tingin ko naman, hindi na siya para gumawa pa ng kalokohan laban sa akin. Lalo na at nariyan ka naman.” Muling ngumiti si Aniah kay Evo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD