“EXCUSE ME,” ani Aniah kay Olivia nang humara ito sa kaniyang daraanan. Pero hindi umalis si Olivia sa may pinto ng CR sa The Kings. Hindi pa nga nakuntento sa pagtayo lang doon. Pumasok din ito sa loob kaya napaatras si Aniah. Sunod niyon ay isinara ni Olivia ang pinto para hindi siya makalabas. Iyong tingin ni Olivia sa kaniya, para bang nakahandang sugurin siya. Hindi naman nagpahalata si Aniah na medyo kinabahan sa inaasta ni Olivia. “May relasyon ba kayo ni Evo?” deretsa pa nitong tanong. Ni ang kumurap ay hindi nito ginawa. Aniah, kalma lang, aniya sa kaniyang isipan. “Relasyon?” kunwa’y ulit niya. Pagak pa siyang napatawa. “Bakit itinatanong mo ang ganiyang bagay sa akin, Olivia? At saka, saan mo ba napulot ang tungkol diyan?” Tiim ang mga labi nang lapitan siya ni Olivia. “H