LALO lang ginawang memorable ni Evo ang unang beses na pag-akyat ni Aniah sa Kamay ni Hesus. His promises… and that magical kiss. Hindi mapigilan ni Aniah ang kaniyang sarili na hindi panghawakan ang pangako ni Evo na iyon sa kaniya. Umaasa siya. Kapag in love ang isang tao, sino ba naman ang hindi mangangarap ng gising? Magkahawak kamay pa rin sila ni Evo nang hayunin nila ang pamosong replika ng Noah’s Ark sa Kamay ni Hesus. Kumpleto talaga sa pasyalan ang lugar na iyon. Matapos nilang mamasyal sa Kamay ni Hesus ay ipinasya na rin nilang umalis ni Evo. Ngunit bago sila tuluyang umalis, inaya pa niya si Evo sa nakitang souvenir shop. Ang Alona’s Souvenir Shop. Ang daming tinda roon na related sa Kamay ni Hesus at mga religious items at kung ano-ano pa. Pero ang mas nagustuhan niya