REBECCA'S POV "MABUTI naman at sa wakas ay naisipan mo ring sagutin ang mga tawag ko," may halong pag-aalala na bungad sa akin ni Sir Castillo nang sagutin ko ang tawag niya. Nakokonsensiya na rin kasi ako na palagi ko siyang pinapatayan ng cellphone sa tuwing tumatawag siya. Gusto ko siyang iwasan sa dalawang dahilan. Una, pinagseselosan siya ni Uncle Sam. Ayokong makadagdag siya sa magulong isip nito. Pangalawa, ayaw ko na siyang madamay sa magulong buhay naming mag-ina hangga't maaari. Pero nakapagdesisyon na ako na aminin kay Sir Castillo ang tungkol sa totoong pagkatao ni Tristan at kaugnayan namin. Naging mabuti at matapat na kaibigan sa akin si Sir Castillo. May karapatan siyang malaman ang totoo kaya sinagot ko na rin ang tawag niya. "S-sorry, Sir. Kinailangan ko lang talag

