REBECCA’S POV “NANAY, totoo po ba ang narinig ko? Si Tito Tristan po ang tatay ko? Dahil siya po si Tatay Sam?” tanong uli ni Samantha. At sa pagkakataong ito ay mas masigla na siya. Abot-tainga ang kaniyang ngiti at kitang-kita ko ang excitement sa nagniningning niyang mga mata. “Ibig sabihin po, hindi pa patay ang tatay ko, Nanay?” nananabik niyang dagdag-tanong at bumaling pa sa kaniyang ama, kumukurap-kurap na tila hindi makapaniwala. Saka lamang ako tila nakahinga matapos kong masaksihan ang reaksiyon ni Samantha. Akala ko kasi hindi niya magugustuhan ang mga narinig niya. Sinulyapan ko muna sandali si Uncle Sam at saka niya ako tinanguan na para bang sinasabing ipapaubaya na muna niya sa akin ang pagkausap sa anak namin. Pagkatapos ay dahan-dahan akong lumuhod sa harapan ni Sama

