REBECCA'S POV "T-TRISTAN? T-Tristan?" kinakabahan na pukaw ko sa kaniya habang kinakalabit ko siya. Malapit na sana akong umiyak sa takot at pag-aalala. Mabuti na lang at dahan-dahan din siyang nagmulat ng kaniyang mga mata. "Don't worry. Pumikit lang ako sandali. Sobrang sakit kasi ng ulo ko," wika niya at muling hinilot ang sentido. "Hindi ko nga alam kung nawalan ba ako ng malay or what." Lalo akong nag-alala sa kalagayan niya. "B-baka nga nawalan ka ng malay. Nakita kasi kita na parang hindi na gumagalaw at wala ng animo habang nakahiga rito." Umupo ako at tinulungan ko siyang isandal sa gilid ng kama. Nilagyan ko pa siya ng unan. "Palagi ka bang ganito? Ang bigla na lang nawawalan ng malay at sumasakit nang matindi ang ulo?" "Hindi naman. Nagkakaganito lang ako kapag pinipilit

