SAMANTHA’S POV KAAGAD na pinunasan ko ang aking mga luha nang maramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Kanina pa malayo ang iniisip ko habang nakaupo ako rito sa terrace ng aking silid. Nakalimutan ko na ngang inumin ang gatas ko. Simula kasi nang malaman ko ang malalang sakit ni Tatay Sam, parang hindi ko na alam kung paano harapin ang bukas. “Okay ka lang ba, anak?” boses iyon ni Nanay Rebecca, sabay haplos sa buhok ko. “Hindi ka raw pumasok sa klase mo kahapon sabi ng teacher mo.” “Sorry po, Nanay. Nahihirapan po kasi akong mag-focus sa mga itinuturo ng teachers ko ngayon,” malungkot na saad ko at saka yumuko. “Kahit anong ituro o i-explain nila, wala talagang pumapasok sa isip ko. Bigla-bigla na lang din po akong napapaiyak. Ayokong makaistorbo sa class kaya hindi na muna ako pumasok

