SAMANTHA’S POV HINDI pa rin ako makapaniwala na kakilala rin pala ni Doc Carl sina Aling Neneng at Tep-tep at halos lahat ng mga tao sa lugar na iyon. Nagkaroon tuloy ako ng dahilan na kausapin siya kahit ang balak ko sana, tuluyan na siyang iwasan hanggang sa makaalis na kami papuntang California. Ayokong mahirapan lalo ang loob ko sa paghihiwalay namin. “Gaano na po kayo katagal na pumupunta sa lugar na ito, Doc?” usisa ko habang sabay kaming naglalakad papunta sa park. “I’m not sure, eh. Pero sa tantiya ko, mga four years na rin. May gusto kasi akong makita palagi sa lugar na ito kaya pabalik-balik ako kapag hindi ako busy sa ospital. Hoping na makita ko siya.” Four years? Gano’n na rin katagal na pabalik-balik ako dito. At iyon ay simula nang mag-aral ako ng high school. Hindi ka

