REBECCA'S POV "YOU know, Tristan, I still hate you," walang ligoy na sabi ni Sam kay Tristan habang nagdi-dinner sa bahay ng mga Soriano. Wedding ng mag-asawang Tristan at Meryl. Si Momma naman, nasa sala at inaaliw ng kaniyang mga apo. "Tandang-tanda ko pa kung paano niligawan noon si Rebecca. Pero dahil hiniran ko ang pangalan at pagkatao mo kaya pinapatawad na kita. Pasalamat ka at asawa ka ni Meryl kaya malilimutan ko na ang nakaraan." "Sa tingin mo, ako, hindi naiinis sa'yo hanggang ngayon? Ginamit mo na nga ang pagkatao at pangalan ko, g-in-irlfriend mo pa ang babaeng mahal ko. F*ck you," galit din na depensa ni Tristan. Natawa na lang kami ni Meryl sa usapan ng mga asawa namin. Aware naman kami pareho na kahit maraming taon na ang lumipas, may lihim pa rin na hidwaan ang mga as

