REBECCA'S POV MAAGA akong nagising dahil pupunta ako ng school para um-attend ng meeting sa school ni Samantha. Tungkol daw sa nalalapit na graduation ang agenda. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang noong hila-hila ko pa si Samantha habang naglalako ako ng mga kakanin sa Davao noon. Pero ngayon, ilang buwan na lang at tutuntong na siya sa High School. Laking pasalamat ko naman sa Diyos na lumaki siyang responsable at mabait na bata. In fact, at her young age, marunong na siya sa negosyo. Kapag walang pasok, tambay siya sa opisina ng Tatay Sam niya para pag-aralan ang negosyo namin. Habang ang second child naman namin na si Samuel Junior ay seven years old na. Sinisimulan na rin namin na turuan siya sa pagnenegosyo. Pero hindi namin gaanong pinipilit. Dahil kahit sa mura

