REBECCA'S POV KABUWANAN ko na ngayon. Napagkasunduan namin ni Sam na huwag nang magpa-ultrasound para ma-surprise kahit ang mga anak namin. Marami ang nagsasabi na baka lalaki raw dahil malakas ang lagay ng tiyan ko o mabilis ang paglaki nito. Lalo na at madalas din na sumakit ang likod at ulo ko. Mahilig din akong kumain ng maanghang na pagkain na hindi ko naman dati paborito noong hindi pa ako buntis. Mabilis din akong umihi, malakas ang boses, at maraming butlig sa tiyahin. Mahilig din ako sa mga gamit at laro panlalaki. Pero may mangilan-ngilan namang nagsasabi na babae naman daw. Madalas ko raw kasing dinadaing ang pananakit ng aking dibdib. Bukod sa maaanghang, mahilig din ako sa matatamis. Noong naglilihi pa nga ako, pinaghalo ko ang almond chocolate at manggang hilaw na may s

